Thursday, November 25, 2010

Industriya at Pangangalakal



Isa sa pinakamahalagang bahagi ng bansa ang sektor ng industriya. Ito ang batayan ng pag-unlad ng mga pangkabuhayang gawain at palitan ng mga produkto sa loob at labas ng bansa. Maunlad ang bansang may malakas na industriya at aktibong ekonomiya.

Nahahati sa tatlong uri ang mga gawaing pangkabuhayan - ang industriyang primarya, sekundarya at tersaryo.

Tumutukoy ang industriyang primarya sa mga gawaing nagmumula sa pagpapaunlad ng pagmimina at paggugubat na nagmumula sa paglinang ng mga likas-yamang lupa at tubig.

Sa kabilang dako naman ang industriyang sekundaryo ay tumutugon sa mga gawaing pagpoproseso ng mga primaryang produkto sa pamamagitan ng pagpoproseso ng mga hilaw na sangkap o materyales gaya ng paggawa ng unan o tela mula sa kapok. Higit na mahal ang unan na gawa sa kapok kaysa ibang materyales. Matagal at matibay rin ito. Papel mula sa puno, lubid mula sa abaka, langis mula sa niyog atbp.

Naglilingkod naman sa industriyang primarya at sekundarya ang industriyang tersaryo tulad ng transportasyon, komunikasyon at iba pang pampublikong paglilingkod. Magpadali at magpagaan ng gawain ang hangad nito.

Nauuri ang industriya sa tatlo ayon sa uri ng gawain, kabuuang ari-arian at bilang ng mga manggagawa ito ang:

1. Maliliit na Industriya - ang industriyang nakatuon sa produksyon at may kabuung ari-arian mula sa 5 milyon hanggang 51 milyon at may 5 hanggang 99 na manggagawa.

2. Katamtamang Laking Industriya - ito ang mga industriyang tumutukoy sa paggawa at paglilingkod na may mga kawaning espesyalisado sa kanilang mga gawain at nakapagpoprodyus ng mga kalakal sa pamamagitan ng makabagong makinarya at teknolohiya. May kabuuang ari-ariang mula sa P51 hanggang P54 na milyon at ang bilang ng manggagawa'y mula 10 hanggang 199.

3. Malalaking Industriya - tumutukoy ito sa paggawa at paglilingkod pang-industriya na may malaking puhunan at espesyalisadong kawani at masalimuot na istruktura ng pangasiwaan. Mayroon itong kabuuang ari-ariang higit sa P54 na milyon at 200 o higit pang manggagawa.

Maliit man o katamtaman ang laki ng industriya, kabahagi ang mga ito sa pagsulong ng bansa. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa kabuhayang pambansa kaya naman kinikilala ng pamahalaan ang kanilang kahalagahan. Bilang pagsuporta isinabatas ang Batas Republika Blg. 6977 o ang Magna Carta for Small and Medium Scale Enterprises. Layunin ng batas na ito na mapalago ang maliliit at katamtamang laki ng industriya sa pamamagitan ng pagpapautang ng pamahalaan, pagsasanay sa mga manggagawa at pagtuturo sa pagpapatakbo ng industriya at iba pang magkakaugnay na gawain particular sa pook-rural at sector ng agrikultura.

Ang ganitong pamamaraa'y nakatutulong sa pagkakaloob ng hanapbuhay sa maraming mamamayan at pagpapangkat-pangkat ng industriya sa iba't ibang rehiyon. Magsikap tayo at magtulung-tulong sa pagpapaunlad ng ating bansa. Tayo lamang ang makatutulong sa pag-angat ng ating ekonomiya.

3 comments:

Anonymous said...

yey! ito ung i rereport ko :D thanks!

Anonymous said...

Salamat talaga. Kailangan namin ito para sa project namin.

Unknown on March 1, 2014 at 12:28 AM said...

salamat, :)) ♥

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved