Sapagkat ang bawat tao ay may karangalang dapat igalang at pangalagaan, ang saligang batas ay nagtakda ng mga katipunan ng mga karapatan. Ito'y isang pahayag o talaan ng mga karapatan at pribilehiyo ng bawat mamamayan na pinangangalagaan ng saligang batas laban sa paghihimagsik ng sinuman.
Gayundin, sa mga pagkakataong ang karapatan ng tao ay sumasalungat sa karapatan ng iba pang tao o pangkat, ang estado ay may kapangyarihang maghimagsik kung ito ay naglalayong itaguyod ang kapakanang panlahat.
Bukod sa mga karapatang pampulitika, kinikilala rin ng saligang batas ang mga karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng mga mamamayan. Ang mga karapatang ito ay naglalayong matiyak ang kapakanan at katiwasayan ng kabuhayan ng indibwal. Kabilang dito ang karapatan sa ari-arian (Sek 1) at karapatan sa wastong kabayaran sa ari-ariang kinuha ng pamahalaan upang iuukol sa gamit pambayan (Sek. 9). Ang mga karapatang ito ay napapaloob din sa iba pang bahagi ng saligang batas gaya ng mga probisyong ukol sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan (Sek. 10, Artikulo II at XIII), pangangalaga at wastong paggamit sa likas na pinagkukunang-yaman ng bansa (Sek. 2 at 4, Artikulo III) at ang pagtataguyod ng edukasyon (Sek. I, Artikulo XIV). Kung ang mga karapatan ng mga mamamayan ay kinikilala sa ilalim ng batas, itinatakda rin ng batas ang mga tungkuling dapat nilang gampanan.
0 comments:
Post a Comment