Thursday, November 25, 2010

Mga Suliraning Nakaaapekto sa Kalakalan ng Pilipinas



Ang pag-unlad ng sector ng kalakalan ay di-nangangahulugang wala na itong mga suliraning kinakaharap. Naaagapan lamang kaya't di-gaanong nakaaapekto sa pagpapatakbo nito.

Sa ngayon, nahaharap sa mga suliraning panloob at panlabas ang kalakalan ng Pilipinas. Ito ang:

1. Ekonomiyang umaasa sa kalakalan. Lubhang umaasa ang Pilipinas sa kalakalan simula pa noong 1930. Labis ang pagdepende natin sa kita ng mga iniluluwas na produkto. Nakaaapekto sa takbo ng pambansang kita ang anumang pagbabago sa sektor na panluwas. Noong umpisa, nakalaan lamang sa pamilihan ng Amerika ang pakikipagkalakalang panlabas ng Pilipinas subalit noong 1983, ang Japan ang naging pangalawang pangunahing bansang nakikipagkalakalan na sa Pilipinas. Nadagdagan pa ito noong 1988 kabilang dito ang Hongkong, Taiwan, United Kingdom, Germany, South Korea, Australia at marami pang iba.

2. Balanse ng Kalakalan - Tumutukoy ito sa rami ng produkto o kalakal na iniluluwas o inaangkat ng bansa. Mainam ang resulta ng kalakalan kung ang iniluluwas ay higit na malaki kaysa inaangkat. Ito ang nagdedetermina ng paglago ng ekonomiya sa loob ng maraming taon, negatibo ang kalakalan ng Pilipinas. Malaki ang nailalabas na pera ng bansa sa pagbabayad ng mga kalakal na inaangkat kaysa pumapasok para sa iniluluwas. Magpondo pa nang malaki ang kailangan upang matugunan ang pangangailangan sa pagpapatuloy ng paglinang sa mga local na industriya. Mag-angkat ang tanging paraan sa kakulangan ng mga produkto sa bansa.

3. Mahigpit na kompetisyon mula sa mga Produktong Inaangkat - Bilang pagtalima sa patakaran ng liberalisasyon, higit na maraming produktong gawa sa ibang bansa ang pumapasok sa Pilipinas. Karaniwang mura ang mga halaga nito. Matibay ang pagkakagawa at magaganda ang disenyo. Dahil dito, ang local na produkto ay nahaharap sa mahigpit na kompetisyon. Kung mahal ang presyo nito kaysa inaangkat, hindi nito kayang makipagsabayan sa iba.

6 comments:

Anonymous said...

thnx..:)

efren lorenzo amistoso on January 30, 2011 at 12:36 PM said...

nice one:)

Anonymous said...

tnx ;)

Anonymous said...

philippines,..no 1 tnx

Anonymous said...

i like this page .. NICE !

Anonymous said...

tnx

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved