Thursday, November 25, 2010

Ang Pagtitingi sa Pilipinas



Gumaganap ng mahahalagang papel sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa ang mga tindahang nagtitingi. Ito ang nakapagtatakda sa tagagawa kung anong produkto at kung gaano karami ang kailangang gawin. Ito ang may tuwirang ugnayan sa mga konsumer o mamimili. Natutugunan nito ang mga produktong ninanais ng mga mamimili. Ito rin ang nakapagsasabi sa mga prodyuser kung ano ang mga produktong mabili o matumal.

May ilang uri ng tindahang nagtitingi, may tindahang pangkalahatan na nagbibili ng lahat ng uri ng kalakal at tindahang espesyal na nagbibili ng mga natatanging kalakal.

Ang department store ay isang uri na nahahati sa iba't ibang dibisyon o departamento. Nasa isang gusali ang mga departamento at ito ay nasa ilalim ng isang pangasiwaan.

Ang chain store ay pangkat ng mga nagtitinging tindahan na nasa pagmamay-ari at pamamahala ng isang tao, pamilya o dili kaya'y grupo.

Ang korporasyon na may malaking puhunan ay nakapagpapatayo ng sangay sa iba't ibang panig ng bansa alinsunod sa ipinag-uutos ng tanggapang sentral. Malaki ang empleyo ng mga ganitong tindahan.

Ang mail-order house ay nagbibili ng produkto sa pamamagitan ng koreo. Mahigpit ang patakarang pinaiiral dito upang di mabiktima kapwa ang nagbibili at bumibili.

Ang tindahang sari-sari ay pangkaraniwang uri ng tindahang nagtitingi. Kadalasan itong makikita sa mataong lugar ng isang pamayanan. Nagsisilbi ito sa mga pangangailangan ng karaniwang pamilyang Pilipino.

Magtingi ang karaniwang hanapbuhay ng halos lahat ng mga dayuhan noon sa ating bansa lalung-lalo na ang mga Tsino. Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay noong ika-25 ng Hulyo 1954, ang batas sa pagsasabansa ng kalakalang tingi upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makalahok sa malawakang kalakalang ito.

3 comments:

ALYNA said...

tnx 4 dz info...hihi..love 8...very well sed..hmp...GOD BLESS

Anonymous said...

thanks :)

Anonymous said...

Thanks gr5

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved