Friday, November 26, 2010

LIWANAG AT DILIM



“Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong magiging maganda rin ang takbo ng aming buhay,” ang madalas kong masabi sa sarili tuwing maiisip ko ang aming kalagayan sa buhay. Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Dalawa kaming lalaki at dalawa rin ang kapatid naming babae. Katatapos ko pa lamang ng elementarya ng magkasakit at mamatay ang aming ama. Bagama’t may kaunting ipong naiwan, unti-unti rin naming naramdaman ang pagdarahop sa buhay.

Sa kabila ng kakapusan sa pera, ginusto pa rin ng aming ina na makapag-aral kaming magkakapatid. Ako ay nagpatuloy ng hayskul sa Manuel L. Quezon High School sa Tondo. Alam ko ang hirap na tinitiis ng aming ina sa pagtitinda ng isda sa palengke upang kami ay matustusan. Upang makatulong kahit papaano, pagkatapos ng klase ay naglako ako ng mga kakanin sa kabila ng pagtupad ko sa iba pang mg gawaing-bahay. Alam kong marami pa akong titiisin upang mabago ang takbo ng aming pamumuhay. Alam ko ring mahirap lamang kami kaya dapat lamang na magsikap.

Nagpatuloy sa pag-aaral ang tanging hangad ay ang makatapos ng hayskul. Ito ay isang hakbang upang maabot ko ang aking panaginip – ang mahango kami sa hirap.

“Hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong sa pamamagitan ng akign pagtitiyaga ay maabot ko ang aking minimithi.” Iba na ang aming pamumuhay ngayon. Hindi lamang hayskul ang aking narating. Higit pa roon.

1 comments:

Anonymous said...

ohhhh...what a wonderfull music background..suddenly i noticed the background music is FIRST Love..by utada ikaru..ilove you!! Philippines!!

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved