Friday, November 26, 2010

MGA KAALAMANG PANG EKONOMIKS



Hango ang ekonomiks sa salitang Griyego na “eikonmia” na ang ibig sabihin ay pamamahala sa gastusin ng tahanan. Isa pang pinakapopular na kahulugan ng ekonomiks at ang pag-aaral ng mga pamamaraan. Halimbawa ay kung paanong ang mga mamamayan at bansa ay nagbabahagi ng kanilang limitadong pinagkukunang–yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagastusan.

May magkasalungat na paningin sa mga iba’t ibang usapin sa ekonomiks na pinangungunahan ng dalawang pananaw sa kasalukuyan. Una, nangingibabaw ang pagtinging tradisyunal na nakabatay sa neoklasikal na ekonomiks. Batay naman sa political economy ang radikal na pananaw.

Bagamat naniniwala ang neoklasikal na pananaw na ang batas ng supply at demand ang nagtatakda ng paggalaw ng ekonomiya. Ayon sa batas na ito, sa anumang eonomiyang gawain, may tatlong salik; una, ang pagkakaron ng supply ng produkto, ikalawa, ang demand sa produkto at ang ikatlo, ang presyo nito. Samantala, sa radikal na ekonomiks higit na nagbibigay ito ng halaga sa iba’t ibang relasyon ng mga tao sa lipunan. Siya ang nagtatakda kung sino ang kumukontrol sa produktibong yaman kung paano ito gagamitin at paano hahatiin ang bagong yamang nililikha.

Sa pag-aaral ng ekonomiks, nalalaman kung paano kumikilos ang tao upang bumuo ng desisyon na may kaugnayan sa ekonomiya. Saklaw din nito ang pag-aaral sa mga batayang suliraning pangkabuhayan. Ang pagnanais na matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao ang kanyang nagiging batayan sa kanyang mga ikinikilos.

Nakabatay rin ang pag-aaral ng ekonomiks sa tatlong mahahalagang dibisyon nito – tulad ng mga sumusunod: produksyon, pamamahagi at pagkunsumo. Ang produksyon ay ang paglikha ng pakinabang o halaga. Ang pakinabang ay ang kakayahan ng isang produkto o serbisyo na magbigay ng kasiyahan sa konsumer. Mailalarawan ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga produkto at serbisyo ayon sa hinihingi o pangangailagan ng tao at ang karaniwang salik sa produksyon ay ang lupa at likas na yaman, puhunan, paggawa, at pamamahala. Pamamahagi ang tawag sa paghaahti ng kabuuang produkto ng bansa sa apat na salik sa produksyon – lupa, paggawa, puhunan at pamamahala. May kinalaman din ito sa pagbibigay ng kabayaran sa mga salik na ito – upa sa lupa, interes sa puhunan, sahod ng mangagawa at tubo sa namamahala. Pagkonsumo ang paggamit ng mga bagay o serbisyo na makapagbibigay – kasiyahan sa mga tao. Sa madaling sabi, ito ang hantungan ng lahat ng gawaing pang-ekonomiya. Kung walang kakain o gagamit, walang pangangailangan na lumikha at mamahagi ng produkto o serbisyo.

May bahaging ginagampanan ang nagtataglay ng kaalaman sa ekonomiks sa pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks ang tumutulong sa paggawa ng mga desisyon na may kinalaman sa pamumuhay ng tao.

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks para sa sariling pag-unlad ng mga mamamayan at ng buong bansa. Nahahati sa dalawa ang pag-aaral ng ekonomiks: mikro-ekonomiks at makro-ekonomiks. Ang mikro-ekonomiks ay ang pag-aaral ng kabuuang ekonomiya ng bansa. Tumutukoy ito sa pagsukat ng kabuuang produksyon, kita at gastos ng bansa. Sakop din nito ang pagsusuri ng kabuuang takbo ng ekonomiya at kung paano mapalalago ang mga pambansang produkto. Sa kabilang dako, ang mikro-eknomiks ay ang pag-aaral ng galaw ng ekonomiya kaugnay ng partikular na produkto at serbisyo. Tungkol ito sa mga gawain at desisyon ng bawat konsyumer, prodyuser at mangangakal.

6 comments:

Anonymous said...

...

Anonymous said...

Nice blog spot...
and tnx sa informations ..

Anonymous said...

ang cute ng backgr0und music.....,

Anonymous said...

i like this background music..
gnda pah ng kaalamn n2..

Anonymous said...

weeee...........

Anonymous said...

ahh

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved