Makauusad na ang Plan 747 bago ang taong 2004 sapagkat ibinasura ni Pangulong Macapagal – Arroyo ang ilang panawagan na baguhin niya ang kanyang paninindigan na huwag nang kumandidato pa sa halalan sa 2004.
Matatag ang pangulo sa kanyang desisyon. Nais niyang tutukan ang pag-usad ng mamamayang ekonomiya ng bansa.
Ang Plan 747 ay hinggil sa bagong economic strategy ng administrasyong Arroyo. Sa ilalim ng plano, papalitan ng gobyerno ang focus nito mula sa macro- economics stability tungo sa micro-economics ang pag-susuri ng interaksyon ng demand, supply at presyo. Ang interaksyon ito ay bunga ng pasya ng konsyumer at prodyuser. Sa macro-economics, naisasagawa ang pangkalahatang pagsusuri sa presyo, kita, produksyon at gastos. Kaya sa pagsusuring ito, nalalaman kung lumago ang ekonomiya ayon sa itinakda nitong layunin.
Ayon kay Presidential Spokeperson Ignacio Bunye, maaaring simulan ang plano sa susunod na anim na buwan mula ngayong Enero 2003.
Ipinahayag ni Pangulong Macapagal –Arroyo Ang plano noong Disyembre 13, 2002 nang maupo bilang bagong kalihim ng Socio-Economic Planning si Romulo Neri.
Brainchild ni House Speaker Jose De Venecia ang 747 na ang ibig sabihin ay “seven percent growth” sa loob ng 7 taon. Kinatawan ng “4” ang taong 2004.
0 comments:
Post a Comment