Friday, November 26, 2010

MGA HAMON SA PAGBABAGO



Ipinahayag ng Estados Unidos, ang kalayaan ng Pilipinas noong ika – 4 ng Hulyo, 1946. Sinikap ng bayan na mabuo ang isang bansang malaya, demokratiko, mapayapa at masaganang bansa. Dumanas ang taumbayan ng kabiguan sa ilalim ng iba’t ibang pangasiwaan. Mula 1946 hanggang 1974 dalawa lamang ang pampulitikong nagtutungali sa paghawak ng kapangyarihan ng pamahalaan. Gumamit ng iba’t ibang paraan sa paglutas ng suliraning ipinatupad. Ang mga naging pangulo. Ang demokrasyang liberal ay nagsimula noong 1946 subalit hindi nakatugon sa mga adhikain at pangangailangan ng taumbayan.

Noong 1972, hinalinhan ng isang diktador ang pamumuno subalit sa halip na bumuti ay lalo pang nagpalubha sa mga suliranin katulad ng krisis pampulitika at pang kabuhayan sa bansa. Binatikos ng marami ang mga nagdaang pangulo sa ating bansa sa kawalan ng tunay na kakayahang lutasin ang mga suliranin kasabay sa pagkakaloob ng kasarimlan ng Pilipinas.

Si Manuel Roxas ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanungkulan siya ng dalawang taon at hinirang ni Elpidio Quirino nang namatay siya. Sinikap ni Pangulong Quirino na mapanumbalik ang pagtitiwala ng mga taong-bayan sa pamahalaan. Tinanggal niya ang mga pinuno na napatunayang gumagawa ng katiwalian. Ipinagpatuloy ni Pangulong Magsaysay ang programang mabigyan ng hanapbuhay ang libu-libong mamamayan. Napasuko at nadakip niya ang utak ng mga Huk. Pinagtibay niya ang batas tungkol sa pagtaas sa pinakamahabang sahod ng manggagawa.

Dalawa pang pangulo ang nagsikap at nagtangkang mapabuti ang ekonomiya ng bansa. Itinatag ni Diosdado Macapagal ang Maphilindo o samahan ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia. Siya ang pangulong naghain ng pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah. Subalit nang magkaroon ng halalan noong Nobyembre 9, 1965, tinalo ni Marcos si Macapagal sa inanyayahan sa Partido Nasyonalista.

Inihalal na pangulo si Marcos at sa araw ng kanyang inagurasyon ay ipinahayag ni Marcos ang kanyang layon upang ang Pilipinas ay “Muling Maging Dakila. Ipinatupad ng pangulo ang kanyang malawakang reporma sa paggawa ng kalye, tulay, patubig at iba pang programang pangkabuhayan. Inihalal siyang pangulo ng dalawang beses dahil sa kanyang magandang nagawa sa bayan. Sa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan ay sumibol ang pagsilang ng kabataang Aktibismo. Ipinahayag nila ang saloobin sa pagpoprotesta sa lansangan. Hiningi ng kabataan ang pagbabago sa lahat ng larangan ng pamumuhay. Ito ang kadahilanan kung bakit idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar subalit sa halip na malutas ang suliranin lalong lumubha ang krisis sa lipunan. Sa kabila ng repormang hinihingi ng mamamayan sumilang ang Rehimeng Autoritaryan.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved