Malaya na ang India sa kamay ng mga dayuhang sumakop dito at naitatag ang isang Republikang Federal. Ito’y ngangahulugang ang kapangyarihan ay hinati sa pamahalaang sentral na matatagpuan sa New Delhi at ang pamahalaang estado sa mga lalawigan na may sariling punong ministro at lehislatura. Ibinatay nila ang kanilang pamahalaan sa ilang sistemang pampamahalaan ng mga bansang Estados Unidos, Britanya at ilang demokratikong bansa sa Europa. Magalang at makatao ang sistemang sinusunod ng pamahalaan ng bansang nabanggit.
Pinakapuno ng pamahalaang sentral ang pangulo at gumaganap lamang siya ng mga gawaing pangseremonya. Pinakamapangyarihan ang konseho ng mga ministro. Malaking - malaki ang pagkakahawig ng sistemang pampamahalaan ng India at Gram Britanya sa loob ng mahigit na 100 taon.
Binubuo ng dalawang kapulungan ang batasan ng India. Pambansang hukuman ang nagpapatupad ng batas ng India at sinasang-ayunan ng nakararaming mamamayan sapagkat mataas ang paggalang ng lahat ng mamamayan sa kanilang hukuman. Malayang magpatupad ng mga batas ang mga hukom. Bukod sa Korte Suprema na may 26 na matataas at makapangyarihang hukom, bawat estado ay may sariling hukuman upang makabuti pa ang sangay ng katarungan sa bansa.
Sa kabilang dako, isang gobernador naman ang namumuno sa bawat estado ng India. Nahahati naman sa bawat destrito ang estado.
May dalawang malalaki at malalakas na partido pulitikal ang bansa. Ang mga ito ay ang India National Congress at National Congress Organization ang mga kinikilalang malakas at makapangyarihang partido ng oposisyon. Marami pang partido pulitikal sa India tulad ng Britanya, Jama, Sengh, Bhratiya, Lok Dal at Jammata Party. May malakas na tanggulang pambansa ang India na binubuo ng lakas-panlupa, lakas pandagat, at lakas-panghimpapawid na siyang nagbibigay-proteksyon sa bansa at sa mga mamamayan. Tiyak na may kakayahan ang bansang India na ipagtanggol ang kanilang teritoryo laban sa gustong sumupil.
Ang tanggulang pambansa ng India ay binubuo ng mga volunteers, na dumaan sa matinding pagsubok at mahigpit na pagsasanay ang mga ito sapagkat tunay na mapanganib ang mga papel na ginagampanan ng mga ito sa pagtatangol ng bansa. Ang lakas panlupa ay may bilang na 1,26500 na volunteers. May 55,000 na kasapi ng Navy. Ang pwersang panghimpapawid ng may bilang na umaabot ng 111, 000 at ang combat aircraft ay may bilang na 700 diktatoryal at bansang demokratiko.
0 comments:
Post a Comment