Friday, November 26, 2010

DR. SUN YAT SEN “AMA NG REBOLUSYONG TSINO”




Nangingibabaw ang pangalan ni Sun Yat Sen bilang isang maimpluwensiyang pinuno ng mga panahon ng ika – 19 na siglo hanggang sa mga unang dekada ng ika 20 siglo. Isinilang si Dr. Sun Yat Sen sa lalawigan ng Guandong sa Tsina noong Nobyembre 12, 1866. Ito ang panahon ng pag-aalimpuyo ng mga panlulupig ng mga kanluranin sa Asya. Bumulusok din sa panahong ito ang Rebelyong Tayping, ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang kilusang naitatag ng mga panahong iyon. Layunin ng kilusang ito na palayain ang mga Tsino sa dayuhang manlulupig.

Nasaksihan ni Dr. Sun Yat Sen ang mga kalabisan at kahinaan ng namamayaning hukbong Manchu habang siya ay lumalaki at nagbibinata.Nakita rin niya ang walang patid na pakikidigma ng magkakasanib na hukbong kanluranin upang makakuha ng pagkakataong makapagpasok ng kontrabando at opyo sa Tsina. Ang mga pangyayaring ito ay nagtulak kay Dr. Sun Yat Sen na mag-aral at magpaka-dalubhasa. Batid niya na ang edukasyon ang susi sa pagpapalaya sa bansa. Sinikap niyang matapos ang kursong medisina para sa kababayang Tsino. Noong 1905, Itinatag ni Sun Wen ang organisasyong Xing Zhong Hui (Society for the Revival for China.) at Zhong Guo Ge Ming Tong Mung Hui (Chinese Revolutionary League) na kapwa naglalayong patalsikin ang mga Manchu at magtayo ng isang republikang kikilala sa pagkakapantay pantay sa pag-aari ng lupa. Itinatag ni Dr. Sun Yat Sen ang republika sa Tsina noong 1912 matapos lisanin ni Aisin Guro Puyi ang China At kinilala siya bilang emperador ng Tsina.

Ang pagtataguyod ng kapakanan ng kanyang mga kababayan ay ipanagpatuloy ni Dr. Sun Yat Sen. Nagtayo siya ng isang partidong pampulitika na tinawag niyang “ kumintang” na ang layunin ay maisulong niya ang kanyang San Min Chiu (Principle of the People) Ipinagpatuloy niya ang kanyang mga gawain tungo sa pagkakasundo ng Tsina. Upang mapag-isa ang bansa, kinausap niya ang mga itinuturing na “landlord” o panginoong may lupa sa gawing hilaga ng Tsina. Nakiusap siya sa mga ito na ibahagi ang kanilang lupa sa mahihirap. Binawian siya ng buhay sa Beijing noong Marso 12, 1925 dahil sa isang sakit na hindi inalintana dahil sa marubdob na pagnanais na makamtan ng kanyang bansa ang pagkakaisa.

Ilan sa mahahalagang akda ni Dr. Sun Yat Sen ay ang San Min Chui na naglalaman ng tatlong pangunahing prinsipyo sa pagtataguyod ng kapakanan ng Tsino.

1. Min Tsui (Peoples Right)

2. Min Chuan (Peoples Authority)

3. Min Sheng (Peoples Livelihood)

Ginamit na gabay ng Partido Kumintang ang mga prinsipyong nakapaloob dito at ito rin ang pinaniniwalaan ng partido komunista. Ito ang dahilan kung bakit nagkasundo ang dalawang panig na kilalanin si Dr. Sun Yat Sen bilang “Ama ng Rebolusyong Tsino”.

22 comments:

Anonymous said...

Thank you po... nagawa ko narin po yung assignment..

Anonymous said...

SALAMAT PO ;)

tapos na rin ang gawaing bahay ko!

Anonymous said...

ayuz, kompleto! .. :))

pAnqeT_29 on January 3, 2012 at 4:37 AM said...

thankx naqkaroon me nq saqot sa module naqinq madali na :)

Anonymous said...

maraming salamat po sa impormasyon ko pong nakuha rito

Anonymous said...

salamat po natapos ko na rin yong proyekto ko

:)

j.zukushi said...

thank u poh..!

Anonymous said...

salamat

Jhei on January 12, 2012 at 5:02 AM said...

thanks ^__^ he's the man

Anonymous said...

tnx nagawa ko na ung project ko.

Casey James on January 14, 2012 at 7:10 PM said...

salamat sa lahat :)

Anonymous said...

SaLamat Sa Gumawa ! great

Anonymous said...

salamat may madadagdag din ako sa report koh!!!!!!!!!!!:)

Anonymous said...

tnx...nagawa ko na nang maayos ang report ko...

Anonymous said...

THANK YOU PO TAPOS KO NA PROJECT KO

Anonymous said...

salamt po natapos ko ang assignment ko

Anonymous said...

Yehey!May pang report na rin Ako. =)))

Thank you. :D

Anonymous said...

yay!! thanks bro c:

Anonymous said...

hay salamat

Anonymous said...

Thanks :D

Anonymous said...

thanks po..

Anonymous said...

thanks za information...

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved