Friday, November 26, 2010

Mga Dahilan at Epekto sa Suliranin ng Sektor ng Agrikultura


Bagaman mabilis ang pagtaas ng produksyon simula noong 1970, ang kita ng populasyong rural ay nahuhuli sa mga taga-urban at ang produksyon ng mga pangunahing pananim ay naging mabagal simula noong 1980. Ang proporsyon ng kita ng mga taga lalawigan sa taga-lunsod ay bumaba mula 75 porsyento noong 1970 at naging 50 porsyento na lamang noong 1980. Ang halaga ng mga produktong agrikultural ay bumaba kaugnay ng presyo ng hindi produktong agrikultural. Ito ay bunga ng mga patakarang pang - ekonomiya na labis na nagpataw ng buwis sa sektor ng agrikultura. Ito ang naging dahilan ng pagbaba ng panustos ng sektor na ito, ng pagtangkilik sa isang lumalaking lakas paggawa at ng kawalan ng insentibo sa pribadong sektor na pag-ibayuhin ang produksyon ng agrikultura.

Bunga ng mga patakarang makro-ekonomiks, nagkaroon ng proteksyon ng sektor ng industriya sa kanilang mga produkto kung kaya’t ang mga produktong pang-industriya ay higit na mataas ang presyo kaysa sa mga produktong agrikultural. Ang paggamit ng mga industriya ng mga makinarya sa halip ng paggamit ng lakas – paggawa ay nakapagpataas ng porsyento ng mga walang hanapbuhay at higit na nakapagpababa ng kita sa sektor pang-rural. Ang pagkabigo rin ng sistema ng kredito na umabot sa mga lalawigan at ang mabagal na pagpapatayo sa mga imprastraktura rito ay nakapagpahina sa pag-unlad ng mga hanapbuhay ng mga pook rural na mahalaga sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga pamilyang rural na walang anumang pag-aaring lupain.

May isa pang hadlang sa pagtaas ng kita ng agrikultura. Ang mga buwis na ipinapataw sa pagluluwas ng produktong agrikultural ay nakapagpapababa ng kita ng mga magsasaka. Ang mga monopolyo sa pagtitinda ng niyog, asukal, palay, bulak at iba pang produkto ay nakahahadlang sa mga magsasaka na makatanggap ng mga kita na ayon sa mga presyo sa pandaigdigang pamilihan.

Ekonomiks para sa kaunlaran III

SEDP Serye, p.163

Dr. T. Vivar , etc.

14 comments:

Anonymous said...

thank you for the information it helps a lot!
I hope next time URL contains more and important datas for the researchers. thank you

Anonymous said...

thanks!!

Anonymous said...

wala-kamikazee

Anonymous said...

wew c:

Anonymous said...

im proud to be a pilipino.....u should too!!!!:D

Anonymous said...

maraming salamat po sa impormasyon. nakatulong po talaga ito sa akin. sana'y may roon pa kayong mg taong matulungan katulad ko :)

Anonymous said...

saang mga lugar po ba nkakaranas ng mga suliraning ito ?

Anonymous said...

salamat sa sagot kaibigan .. ngaun maauz nking mkkatulog xD.. tnx!!!!!

Anonymous said...

"npakalaking tulong po ang naibigay nito sa akin,
taps na asiignment qoh sa wakas at makakatulog n rin ng maayos!"
"Salamat po!"

Anonymous said...

thank you it help me to accomplished my projects

maribel alegre on June 29, 2012 at 3:39 AM said...

maraming salamat powhz........

:-)

Anonymous said...

thank you very much for the answer :)

Anonymous said...

Thank You very very much! assignments solved:)

Elaine Garcia on August 1, 2017 at 5:39 AM said...

wla man yung sanhi/dahilan ehh

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved