Friday, November 26, 2010

Mga Proyektong Pang-Agrikultura



Ang agrikultura o pansakahan ang pangunahing kumikilos sa pambasang ekonomiya bilang pinakapanluwas na gawaing pansakahan. Sa tahasang sabi, nagdudulot ito ng magandang potensyal sa pagsulong ng ekonomiya sapagkat sa totoo lang, sa pagsasaka nakasandal ang kabuhayan ng 70% na populasyon ng bansang Pilipinas. Bukod pa riyan, nakapagbibigay ito ng trabaho sa 50% na mga magsasaka sa bansa. Ang paggubat at pangingisda ay ilan lamang sa mga gawaing pansakahan na tumutulong sa 26% sa kabuuang local na produksyon. Dahil dito, may iba’t ibang programa at proyekto na binabalangkas ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka at maiangat ang antas ng produksyon sa pagkain tungo sa sariling pangangailangan.

Ang Kagawaran ng Agrikultura ang pangunahing kumakatawan na mamahala sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa ilalim nito, nariyan ang Highland Agriculture Development Project (HADP) kung saan pinauunlad nito ang pinagsanib na sistema ng pagsasaka upang malutas ang problema sa produksyong pang-agrikultura ng mga nasa ilaya. Samakatuwid, tunay na nilalayon ng proyektong ito na mabago o maitaas ang sosyo-ekonomikong kalagayan ng magsasaka.

Isa pa rin sa mga proyekto na nasa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura ang Rainfed Resource Development Program (RRDP). Ito ay may layuning paunlarin ang kakayahan ng mga institusyon at ang balangkas ng patakaran upang alagaan ang “community based approach” sa lupa at pinagkukunang tubig sa mga taga - ilaya at pagbibigay ng artipisyal na ulan sa lugar na pang-agrikultura at malayo sa dalampasigan. Isa pa’y ang National Reconciliation Development Program (NRDP) na nagnanais matulungan ang mga nasa probinsya at higit sa lahat, bigyang trabaho ang mga barangay na nasa impluwensiya ng insureksyon.

Sa totoo lang, nagkaroon ng kabagalan sa produksyon ng bigas, asukal at niyog. Hindi nagpabaya ang pamahalaan. Sa madaling salita, nagpanukala sila ng mga hakbangin upang malutas ang ganitong suliranin. Bukod pa riyan, naisagawa ng pamahalaan ang pagwasak ng monopolyo. Hindi maikakaila na nagkaroon ng monopolyo sa produksyon ng kalakal o paglilingkod. Di ito makatarungang gawain sapagkat ilan lamang ang nakikinabang at umaangat ang kabuhayan. Bunga nito, winasak ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng kiskisan.

May iba pang programa o proyekto ang pamahalaan tulad ng imprastraktura na may kinalaman sa pagpapatayo ng patubig, mga kalsada at elektrisidad. Nariyan din ang pagpapautang sa magsasaka lalo na sa mga maliit upang magkaroon sila ng puhunan na magpapagalaw sa produksyon na kailangan sa ekonomiya ng bansa. Kailangan ang pagpapaunlad sa produktibidad ng agrikultura kung talagang hinahangad na tiyakang mapaunlad at maisulong ang pambansang ekonomiya.

11 comments:

Ellanie Marie Abrazado Mallen on October 2, 2011 at 4:42 AM said...

LOL ganda!

Ellanie Marie Abrazado Mallen on October 2, 2011 at 4:44 AM said...

Pero Meron ba kayo para sa pangisdaan?? Kailangan din eh

prettie ayrene said...

meron ba nun mga bumubuo sa agrikultura ??

Anonymous said...

merong bumubuo sa ating agrikultura tulad ng gobernador

Anonymous said...

SALAMAT PO...ASSIGNMENT PO YN SA AMIN.

Anonymous said...

galing ! marami po akong nakuha na info :) salamat po ! kahit di nga lang lhat pro pde na rin po ! slmat po ! :)

highlander. on February 4, 2012 at 7:08 PM said...

.......nice.......meron ba sa paggugubat..... i neeed kc e .....but its very nice....

highlander. on February 4, 2012 at 7:09 PM said...

......ganda ng music......na background.:)

highlander. on February 4, 2012 at 7:15 PM said...

.......nice.......meron ba sa paggugubat..... i neeed kc e .....but its very nice....

Anonymous said...

nice one> :))

Anonymous said...

Such serene music. :)

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved