Friday, November 26, 2010

12 Mayamang Kagubatan ng Pilipinas


Walang halaga ang buhay na hindi iniuukol sa isang balak na dakila”. Ang pahayag na ito ay mula kay Dr. Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo. Magiging makatotohanan sa matapat at may pagmamalasakit na pakikipag-ugnayan sa likas na yamang kaloob ng Maykapal.

Batid natin na malaki ang magagawa ng likas na yaman sa kaunlaran ng isang bansa. Mapalad ang Pilipinas sapagkat may 30 milyong ektaryang lupain ito. Isa sa pinakamahalagang yaman sa bansa ay ang malawak na kagubatan nito. Tinatayang sangkapat ng kabuuang lupa ay binubuo ng komersyal na kagubatan. Dito matatagpuan ang uri ng punong pinagkakakitaan ng bansa. Mga 60 uri ng puno ang nagagamit na pangkomersyal mula sa kabuuang bilang na 3,500.

Sa klima ng bansa, ang mga punong tangile, yakal, mayapis, lauan, guijo at apitong na kabilang sa pamilyang dipterocarp ay nangungunang uri ng kakahuyan sa ating mga kagubatan. Pinakamalaking pinagkukunan ito ng troso na may 70 bahagdan. Kilala ang mga ito sa tawag na Philippine Mahogany.

Sa Palawan matatagpuan ang pinakamalaking kagubatan sa bansa na may 75.1 baghadan. Angkop na angkop sa paggawa ng mga kabinet at muwebles ang mga trosong nakukuha rito. Paano’y matitigas at matitibay ang mga ito tulad ng narra, dao at ipil na kabilang sa pamilyang molave. Maraming Pilipino ang nagnanais manirahan sa lugar na ito. May taglay na suwerte ang lugar.

Malaki rin ang kagubatan ng Mindanao sa bahagdang 45.2. Ang kilalang kompanyang Nasipit Lumber ay dito matatagpuan. May plantasyon din ng mga punongkahoy na pinagkukunan ng panangkap sa paggawa ng papel. Ito’y ang Paper Industries Corporation of the Philippines (PICOP) sa Bislig, Surigao del Sur. Di rin patatalo sa mayamang industriya ng pagtotroso ang Davao, Basilan at Zamboanga del Sur.

May 39.9 bahagdan ng Luzon ang kagubatan samantalang 26.4 bahagdan naman sa Visayas ang may kabuuang lupain na kagubatan.

Sa kagubatan pa lamang mayaman na ang Pilipinas. Walang kaduda-duda.

12 comments:

  1. ang ganda ng pilipinas kasing ganda ni angelyn taguinod !!!

    ReplyDelete
  2. _..uU,' nGa...mayaman nga aNg PiliPinas pero sa Likas na yaman LanG na hindi naMan napapamaHalaAn ng maayos...

    ..Hindi gingamit sa dapat na gamitaN!!!....

    kuNg para sayo..mayaman anG PiLipinas..pero sa akin,'..i can not say that Philippines is poor and i can not say aLso tHat Philippines is ricH bUt,a DEVELOPING country.....

    tHats it!!!!!

    ReplyDelete
  3. that's true Philippines is really a wonderful place to live in...people just need to be good stewards of gods creation...we learn through the experiences from the typhoons, heavy rains, floods and natural calamities...

    ReplyDelete
  4. wala ng maganda sa pilipinas..puro ka TITIAN NA LNG!ang makikita mo sa pilipinas!kaya di maganda sa pilipinas..FUCK YOU ALL!

    ReplyDelete
  5. makamura wagas!!!!!bastos ka ah!!!!

    ReplyDelete
  6. if u want to develop our country u should know how to preserve all the yamang-likas ..

    ReplyDelete
  7. grabe lang haha gago~

    ReplyDelete
  8. Hey Guys! I can't understand that language =(

    ReplyDelete

click Here To increase/decrease fonts size

+ Larger Font | + Smaller Font

Your Ad Here