Thursday, November 25, 2010

MAY CURFEW NA!



Sinasabing ang buhay ay isang paglalakbay patungo sa pook na pinapangarap. Ngunit ang landas ay hindi laging maganda gaya ng inaakala ng marami. Kung minsan, hindi maiiwasan na mapadaan sa mabato at matinik na landas. Ganito ang karaniwang senaryo sa buhay ng mga kabataang naliligaw ng landas.

Dahil dito, isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa kamaynilaan. Ito’y ang pagbabawal sa mga kabataan na may edad labingwalo pababa na manatili sa lansangan o nasa labas ng bahay mula ikasampu ng gabi hanggang ikaapat ng madaling araw o ang tinatawag na “curfew”. Ito’y sinang-ayunan ng mga magulang. Lubhang napakalaking tulong ito para sa kanila na madisiplina ang kanilang mga anak. Naniniwala sila na malalayo sa kapakanan ang mga kabataan kung ito’y kanilang susundin. Maiiwasan din ang mga riot, awayan at pagpupuyat sa walang kawawaang bagay. Kitang-kita ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga pinuno at kagawad ng barangay. Anong buti ba ang maidudulot nito sa kanila.? Ito ba’y dagdag trabaho lamang? Ito ba’y nangangahulugan ng katahimikan at kapayapaan sa bawat pamayanan? Tunay na ito’y karagdagang gawain subalit ito’y isang palatandaan ng isang mapayapang pamumuhay.

Ngunit sa kabila ng magandang hangaring ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila, maraming kabataan ang tumututol dito. Paano nga naman, nabawasan ang kanilang masasayang gabi sa lansangan. Hindi nila masang-ayunan na sila’y kailangang makaligpit na ng bahay sa ganoong oras. May nagsasabi naman na ito ang dapat ipatupad sa lahat, hindi lamang sa kanila. Oo, kapansin-pansin ang kakapusan pa nila sa pang-unawa. Marami sa kanila ang hindi alam ang tunay na nilalayon ng ordinansang ito. Basta’t ang mahalaga sa kanila’y makagimik sa gabi.

Tama na yan kabataan! Hindi mo ba alam na malaking halaga ng salapi ang ginugugol ng pamahalaan para sa iyong kapakinabangan?

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved