Friday, November 26, 2010

Mapapanatili ang mga Presyo ng Gulay


Umaasa Si Pangulong Arroyo na



Sinabi ng Pangulo Arroyo na ang presyo ng mga gulay ay mananatili bunsod sa isinagawang mga hakbang laban sa mga illegal na nagpapasok ng gulay na galing sa ibang bansa.

Nang ang Pangulo at ang kanyang pamilya ay nagpalipas ng kapaskuhan sa Baguio City, nakipagpulong siya sa mga magsasaka sa Benguet noong Disyembre 26. Pinag-usapan nila ang gagawing mga hakbang laban sa mga smuggler ng gulay at para mapapanatili ang presyo ng kanilang mga produkto Ayon pa rin sa Pangulo wala siyang magagawa para mapababa ang halaga ng tariff taxes ng mga gulay na inaangkat sa ibang bansa habang nagsasagawa ng pag-aaral sa bagay na ito.

Habang sila ay nagpupulong, hiniling ng mga magsasaka na buksan at suriin ang refrigerated van sa Manila International Container Terminal at alamin kung may illegal na mga gulay na inangkat.

Bilang tugon ng Pangulo, habang sila ay nagpupulong inutusan na niya si PSG Commander Hermogenes Esperon na bumalik na agad sa Maynila at isagawa ang mga kahilingan ng mga magsasaka sa Benguet. Ayon pa sa Pangulo, ang Anti-Smuggling Task Force na itinalaga para sa mga produktong gulay, sa pakikiisa ng Bureau of Customs, Ang Anti-Smuggling Intelligence and Investigation Center at ang Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines ay nakasabat na ng 4 na 40ft container van na galing sa China at naglalaman ng mga ilegal na produkto na nagkakahalaga ng anim na milyong piso. Ang container van ay dumating sakay ng barkong Hunsa Bhum na hanggang ngayon ay walang umaangkin. Ang mga gulay ay ilegal na ipinasok sa bansa.

Napansin ng Pangulo na mula nang itinalaga niya si Esperon na punuan ang Anti-Smuggling Task Force para sa mga produktong gulay, umaabot na sa 57 ang nasasabat sa loob lamang ng dalawang linggo. Masasabing isa itong magandang performance para kay Esperon. Kaya sir… ipagpapatuloy ang maganda mong napasimulan.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved