Malaking bahagi ang ginagampanan ng sektor ng pangangalakal sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Mataas na bahagdan ang naitutulong nito sa GNP at sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga manggagawa.
Ang sektor ng pangangalakal ay binubuo ng kalakalang panloob at panlabas.
Ang kalakalang panloob ay nauukol sa kalakalang pagtitingi at pangkalahatan ng iba’t ibang uri ng produkto. Kasama sa pakikipagkalakalan ang paghahatid, pag-iimbak at pamimili ng mga produkto.
Ang kalakalang pangkalahatan ay tumutukoy sa pagbili ng bago at segundamanong produkto sa mga nagtitingi, sa mga kompanyang industriyal, sa mga nagluluwas o nag-aangkat ng produkto at maging sa mga ahensya ng pamahalaan. Masasabing nakikipagkalakalang pangkalahatan ang isang tindahan o bahay kalakal kung may sampu o higit pa sa isang milyon ang kita sa loob ng isang buwan. Ang mga tindahan namang nagtitingi ay kumita lamang ng kulang sa tatlong libo bawat buwan.
Mahalaga ang kalakalang panloob. Ito ang nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming manggagawa. Nakatutulong din ito sa pagbili ng mga produktong industriyal at agrikultural. Sa kabilang dako, mahirap matugunan ng isang bansa ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga mamamayan kaya nakikipagkalakalan ng isang bansa upang mapunan ang mga kakulangan sa pagpapaunlad ng ekonomiya nito.
Nakasalalay nang malaki ang ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan nito sa ibang bansa. Ayon sa tala, umabot sa 49.46% ang bahagi ng kalakalan sa GNP noong 1997 at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na mga taon.
Sa pag-unlad ng sektor ng pangangalakal, umusbong ang ilang suliraning nararapat harapin upang hindi maging sagabal sa pagdaloy ng kalakalan. Ang Pilipinas ay lubhang umaasa sa kalakalang panlabas nito. Simula pa noong 1930, nakikipagkalakalan na ito sa Estados Unidos. Noong 1983, pumasok ang Japan bilang pangalawang pangunahing bansa na nakipagkalakalan sa Pilipinas. Noong 1988, nakipagkalakalan din ang bansa sa Timog-Silangan ng Asya, Europa, Gitnang Silangan, Latin Amerika at sa Komunistang China.
Elektroniks at tela. Ito ang pangunahing produktong iniluluwas ng bansa. Langis at panggatong na mineral naman ang inaangkat ng Pilipinas.
Naging negatibo ang balanse ng kalakalang panlabas ng Pilipinas sa loob ng maraming taon. Higit na mataas ang inaangkat ng mga produkto kaysa iniluluwas. Kaya ang bansa ay kailangang maglabas ng karagdagang pondo na galing sa reserba upang ibayad sa kakulangan. Ang kabuuang kita sa iniluluwas ay hindi sapat na mapunan ang kakulangan. Kailangan talagang gamitin ang reserbang salapi. Karagdagang pondo ang ipambabayad sa mga produktong inaangkat sa ibang bansa upang maipagpatuloy ang maayos na pamamalakad ng ekonomiya.
Mauunawan na ang kalakalang panlabas ay pabor sa ekonomiya ng isang bansa kung ang balanse ng kalakalan ay positibo. Nangangahulugan ito na ang dami ng produktong iniluluwas ay mahigit kaysa sa dami ng produktong inaangkat.
12 comments:
nuh ba yan alang kalakalang pagtitingi
Thanks anyway,it helps me in my research paper....
SA PAANONG PARAAN NAMN MASOLUSYUNAN ANG SULIRANIN KINAKAHARAP NG SEKTOR NG PANGKALAKALAN
walang kalakalang pagtitingi...
SALAMAT PO!!! :)
GALING PO!!
I don think this will help me..
Ang Kalakalang Pagtitingi ay ang pagbibili ng bago at segunda manong produkto para sa pansariling gamit o sa pangangailangan sa tahanan.
salamat. nakatulong po ito :))
WELL...THIS WILL HELP ME..THANKYOU!
anu po ung sektor na bumubuo sa kalakalang panloob sa pilipinas.?????????
thank u very much!!!This article helps me so much!!!
may dalawang sektor kung bkit nagaganap ang kalakalang pandaigdig ito ay ang espesyalisasyon ng bawat bansa sa paggawa ng produkto at ang kapital ng bansa .
it is a very great help
Post a Comment