Mahusay na negosyo ang pagtitinda ng mga bulaklak. Hindi ito nawawala sa sirkulasyon sa iba’t ibang okasyon. Kung ang hanap ay sari-saring bulaklak, magtungo sa kahabaan ng Dos Castillas at Dimasalang sa Maynila at mabibili ito sa murang halaga. Bagsakan ito ng mga bulaklak galing probinsiya kaya mura ang halaga dito.
Nakahanay sa lugar na ito ang mga tindahan ng bulaklak at mga flower arrangers. Karamihan sa kanila ay bukas ng 24 oras. Bukas ito mula 6 ng umaga hanggang 11 ng gabi, ngunit kapag may okasyon, umaabot sila ng 24 oras.
Araw ng Huwebes at Biyernes ng hapon ang dating ng mga bulaklak mula pa sa Baguio, Tagaytay, Davao, at Batangas. Karamihan sa mga nagtutungo sa Dimasalang ay maramihan kung mamili at itinitinda ito sa kanilang lugar. Ngunit kung may okasyon, marami rin ang bumibili ng tingi. Mga Malaysian mums, stargazer, gerbesa, casablanca. Lelium, carnation, sunflower, tulips at mga rosas na puti, pink, pula at dilaw ang karamihan sa mga ibenibentang bulaklak. Talagang wala ka nang hahanapin pa. Rosas at tulips ang mabili tuwing Araw ng mga Puso, Gradwasyon at Malaysian mums naman ay mabibili kahit na walang okasyon.
Dumarami ang mga customer sa Dimasalang dahil sa mga rekomendasyon ng mga taong nasisiyahang bumili ng magaganda at sariwang mga bulaklak sa murang halaga.
Pinakamalakas ang benta ng mga bulaklak kung buwan ng Nobyembre, Disyembre, Enero, Pebrero at Mayo. Matumal naman sa mga buwan ng Agosto, Setyembre at Oktubre.
Madaling malaman kung sariwa ang bulaklak, sa pamamagitan ng pagtingin sa dahon nito. Kapag berde pa ang kulay ng dahon, sariwa pa ang bulaklak ngunit kung naninilaw na ito, malapit nang malanta ang bulaklak.
Kung ayaw mong gumastos nang malaki sa pagbili ng mga bulaklak, magtungo Sa Dimasalang at matatagpuan doon ang naggagandahang mga bulaklak na angkop sa iba’t ibang okasyon.
Ang pagnenegosyo ng bulaklak ay makatutulong sa kabuhayan ng maliit na negosyante na nais mabuhay nang maayos at matiwasay. Sabi nga…. Sa konting kita, masaya na ang pamilya.
3 comments:
Sang-ayon ako na ang negosyong bulaklak ay isa sa pinaka maganda kabuhayan kaya naman nais ko na masimulan ang aking flower shop business as soon as possible.
sugar
I really appreciate your post and you explain each and every point very well.Thanks for sharing this information.And I’ll love to read your next post too.
Tama ka Sir. Magandang Negosyo nga ang bulaklak. Sipag at tiyaga lang at siguradong ang negosyo ay aangat.
Salamat po!
Ynah
philippines classified ads
Post a Comment