Friday, November 26, 2010

MAGKAIBANG SAPATOS



Maaga pa ay ginising na ako ni Inang. Unang araw kasi ng pasok noon. Kahit pupungas-pungas ay wala akong nagawa. Matapos kong iligpit ang aking tulugan, naligo ako at nag-ayos ng katawan. Pagkatapos, kumain ako ng almusal, nagsipilyo ng ngipin at saka umalis.

Hayskul na ako kaya wala na akong kasama sa pagpasok. Hindi na ako inihatid ni Inang tulad ng kanyang ginagawa noong nakaraang taon. Madali naman akong nakarating sa eskwela. Nakita ko rin agad ang aming silid-aralan.

Isa-isa kaming pinapunta ng aming guro sa harap ng klase. Habang nasa harapan at nagpapakilala, napansin ko ang pagtatawanan ng aking mga kaklase. Nang lumingon ako sa aming guro, nakangiti rin siya ngunit hindi hayagan sa akin. Dahil hindi ko naman alam ang kanilang pinagtatawanan, nakitawa na rin ako. Lalong lumakas ang tawanan ng lahat. Lumakas din ang pagtawa ko. Ilang saglit, lumapit sa akin ang aming guro. May ibinulong siya. Tiningnan ko ang suot kong sapatos. Laking gulat ko. Hindi ito magkapareho. Wala akong nagawa kundi ang umupo ng papuwit-pawit.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved