Friday, November 26, 2010

DALAWANG MAKATA



Teodoro Agoncillo

Dumalaw si Huseng Batute kay Florentino Collantes, isang araw. "Tinong", ani Batute, "Magpuputong Ka".

"Ayoko," ang sagot ni FTC.

"Aba, e.. inihanap na kita ng mapuputungan."

"At magkano ang bayad?", ang usig ni FTC.

"Walong daan", at pagkaraan ng ilang saglit ay idinugtong, "Kinuha ko na ang kalahating pauna".

"……..!" Walang nagawa si Tinong.

Dumating ang pinakahihintay na gabi ng pagpuputong ni Kuntil-Butil. Hindi mahulugang-karayom ang mga taong naghihintay sa mahigpit na karibal ni Batute sa balagtasan. Ang buong Antonio Rivera ay nagsikip. Ang mga tao sa iba't ibang pook ng Maynila ay dumagsa sa pook na sasaksi sa dakilang gabi ng pagpuputong ni Kuntil-Butil. Natapos ang mga tula at pagpuputong ng mga pipitsuging manunula. Tumugtog ang martsa. Tumahimik ang mga tao. Halos walang humihinga. Ang Reyna Puput ay puputungan. Umakyat sa entablado si Tinong. Kumumpas. Ikinunday ang mga kamay. Narinig ang maindayog at mataimtim na tinig ng makata. Sa gitna ng pagkunday at pagtula ay ano ba't nakita niya sa karamihan ng mga tao si Batute na nakangisi pa sa kanya.

"………!a", Ang nasabi ni Tinong sa sarili.

Natapos ang pagpuputong. Hinanap ni Tinong ang manedyer ng mga papista sa Kaarawan ni Rizal. Hinihingi ni Tinong ang kalahati ng walong daan.

"Aba, nakuha na po kangina ni Huseng Batute".

"….!", ang nasabi ni Tinong sa sarili.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved