Friday, November 26, 2010

Mabagal na Paglaki ng Produksyon



Ang pagtitiyak ng paglaki ng produksyon ang isa sa mga natural na dapat bigyang-diin ng isang bansang pangunahin sa agrikultural. Inaasahan din sana na sa paglipas ng panahon ay mas mapapahusay ang produksyon sa bansa ngunit malinaw na nakikita sa kasalukuyan na mabagal ang paglaki ng produksyon ng agrikultura. Sa totoo lang, mula sa karaniwang taunang paglaki ng 4.6% mula 1965 hanggang 1980 ay nagkaroon na lamang ito ng 2% paglaki sa pagpasok ng dekada 80. Bukod pa riyan, maging noong 1990, mabagal pa rin ang produksyon. Sa katunayan, nagtala ng 3-6% pagbagsak ang agrikultura noong unang bahagi ng 1998.

Sa ganitong pagbagal ng produksyon ay nakaaapekto sa kabuhayan ng bansa sapagkat naaapektuhan nito ang suplay ng pagkain, ang usapin sa empleyo at kita. Makararanas tayo ng kakulangan ng pagkain dahil hindi na nito kayang suplayan ang mga mamamayan, gayundin ang mga produktong ineeksport natin.

Sinasabing ang mga kaganapang ito ay bunga ng kalamidad tulad ng tagtuyot o di kaya naman ay ang pagbaba na nakaaapekto sa anihan. May nagsasabi ring ang maling paggamit ng lupa ay isa sa mga dahilan. Kapag nawawala ang likas na sustansya ng lupa, ito ay isang pahiwatig na bababa ang ani. Kung di rin alam ang paraan ng paggamit ng mga pataba at ibang kemikal, malinaw, kung gayon, mabagal din ang produksyon.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved