Friday, November 26, 2010

LEONARDO SARAO, HARI NG KALYE


Bakit “Hari ng Kalye”ang taguri kay Leonardo Sarao? Narito ang kanyang kasaysayan.

Nagsimulang naging makulay ang daigdig ni Leonardo Sarao nang siya ay 12 taong gulang. Sa murang gulang, huminto siya ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang mga magulang. Siya ang panganay sa walong magkakapatid. Siya ang naging kutsero at panday sa isang talyer. Nang lumaon ay nagsanay siya sa paggawa ng katawan ng dyipni.

Noong 1953, pagkaraan ng 20 taon, nagpasiyang magsarili si Sarao sa tulong ng naipong salapi na nagkakahalaga ng P700.00. Nagtayo siya ng isang talyer sa Zapote, Las Piñas. Kaya noong 1964, naitatag niya ang Sarao Motors Inc. sa isang 3.5 ektaryang lote sa Pulang Lupa, Las Pinas.

Sa simula, lima lamang ang kanyang manggagawa sa talyer, ngunit ngayon, umaabot na sa 400 ang kanyang mga manggagawa. Noong una, isang dyipni lamang ang nagagawa sa isang araw. Sa ngayon, apat na yunit na ang natatapos nila.

Bukod sa Sarao Motors, si Leonardo Sarao ay pangulo ng Liberation Transportation Corp. Sarao Development Corp; Las Pinas Lending Corp. at Sarao Broadcasting Network DWTM 89.9.

Hindi nakapag-aral sa kolehiyo si Leonardo kaya wala siyang diploma o titulo na maipagmamalaki, ngunit dahil sa pagsisikap niya, siya ay matagumpay na at iyan ang kanyang maipagmamamalaki.

Eco. III SEDP Serye

3 comments:

Anonymous said...

heheeheheheh

Anonymous said...

nice info...thanks..

Anonymous said...

Oh that is so inspiring i`m touched

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved