Friday, November 26, 2010

“Layunin ng Bagong Kolonyalismo”



Natapos ang digmaang Espanya-Amerika noong huling taon ng ika 19 na siglo 1898-1900 ay nagwakas sa halos 400 taong pananakop ng mga kastila sa Pilipinas.

Napagtagumpayan ng mga rebolusyunaryong Pilipino laban sa Espanya at ipinagwalang bahala nila ang kasunduan Sa Paris noong 1898. Ang kasunduang ito ay nagwakas sa alitan o digmaan ng Espanya at Arabia. Inilipat ang kapangyarihan ang kapuluan ng Amerikano mula sa mga kastila sa kabayarang $ 20 milyon.

Sang-ayon sa kasaysayan, ipinag-utos ni Pangulong Mc Kinley na sakupin at itatag ang pamahalaang militar sa Pilipinas. Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901. Hinirang si William H. Taft na naging Gobernador Sibil.

Hindi lamang politikal o moral ang pakay ng Amerika sa Plipinas kundi may pang ekonomiyang dahilan din ang pagkakaroon ng isang Kolonya sa Asya. Malapit ang ating bansa sa Tsina na nooy pinag-aagawan at pinaghahatian ng mga bansang Europeo. Nais ng mga Amerikanong makakuha ng bahagi sa malaking bilihan ng Tsina. Kaya’t may komersiyal na hangarin ang pananakop ng Amerika at hindi lamang ang pagtuturo ng demokrasya sa Pilipinas.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved