Thursday, November 25, 2010

LAKAS NG PANGANGALAKAL



Marami ang naniniwala na ang negosyo at kalakalan ang nagpapaikot sa mundo. Ang bansang mahina ang negosyo ay lugmok na bansa sapagkat manantili siyang konsyumer. Panahon na ngayon ng tunggalian ng malakas at mahina, nang may puhunan at wala, ng multinasyonal at ordinaryong enterprenur. Totoong mahirap makipag-sabayan sa mga higanteng kompanya, tiyak na tataob ang bangka mo at malulunod ka pa.

Mas maraming negosyo, mas maunlad ang bansa. Ito ngayon ang tinatrabaho ng pamahalaang Arroyo, ang magbukas ng mga inbestment sa negosyo. Subalit bago ito maisagawa nangangailangan ng enbayromental iskaning. Ito’y pagtingin sa kapaligiran upang makita ang kasangkupan ng paligid sa itatayong negosyo upang patuloy na makasabay sa pagbabago at kompitensya. Kailangan din ang isang istrategi upang matiyak ang kaangkupan sa uri ng negosyong itatayo. Nararapat din ang pagbuo ng timwork at networking. Isang team na may layong mabuti para sa organisasyon at nakapagpapatingkad ng produktiviti sa kompanya. Nararapat ding magkaroon ng bisyon sapagkat ito ay komitment ng mga tao na mapagtagumpayan ang anumang bagay na nilalayon. Sa mundo ng kalakalan, mahalaga ang mga ito upang makasabay sa lakas ng pangangalakal lalo na ng mga dayuhang mamumuhunan.

Ang pangunahing layunin ng pangangalakal ay mapabuti ang kabuhayan ng mamamayan. Matagal nang naghihigpit ng sinturon si Juan dela Cruz. Panahon upang mamantikaan muli ang kanyang nguso upang makasunod siya sa demand ng mga pagbabago. Sa anumang pagbabago sa lipunan at pamahalaan, mamamayan ang dapat na isinasaalang-alang.

Ang patuloy na paglago ng ekonomika ni Uncle Sam at ng Aristokratang Europeo at ang maagang pagbangon ng Asya sa pagkakalugmok ng ekonomiya ay nakatulong nang malaki sa pagbabago ng takbo ng ating eksport. Anim sa sampung pangunahing merkado ng Pilipinas ay nasa Asya. Tatlong iba pa ay nasa Europa at Amerika. Ang Amerika ang “top buyer” na nagpapasok ng $4.9 bilyon sa ating pamilihan. Ang mga “manupaktyurd goods” ang pagunahing eksport natin. Sa ganitong kalagayan, tiyak na may pag-angat sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Walang duda na ang bisnis sa labas at loob ng bansa ay may malaking kontribusyon sa pagpapabuti ng kabuhayan. Dito sa ating bansa, klik na klik ngayon ang bisnis sa food chain, bukid products, herbal, cosmetiks, health products, computer technology, kotse, rtw., pinansyal inbestment, pagpapautang at iba pa.

Sa kabila ng lahat ng ito, ang pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo, presyo ng raw materials, welga ng mamamayan ay ilan lamang sa problema ng korporasyon at kompanya – problema rin ng pamahalaan. Ngunit sa sariling kaparaanan ng ating pamahalaan ito’y nabibigyang kalutasan. Binibigyang pansin ngayon ang pag-anyaya sa mga proyektong pangkabuhayan. Basta’t may potensyal sa merkado ang isang kalakal, handang magbukas ng pinto ang pamahalaan. Laging bukas ang pintuan ng pamahalaan sa mga bisnis na pakikinabangan upang mapaangat pa ang kabuhayan.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved