ni Bb. Marilyn M. Lalunio
Bawat bansa’y may kani-kaniyang kaugalian at katangian
Na di basta-basta nawawala marami mang sigwa ang dumaan
Kahit pa yumayakap sa bagong kabihasnan
Sadyang nakaukit pa rin sa atin ang tatak ng kagandahang-asal.
Sama-samang pagdarasal sa panahon ng orasyon
Nagbubuklod sa mag-anak, patatagin ang relasyon
Ang ganitong kaugaliang matibay na pundasyon
Upang talagang mapatatag itong ating nasyon.
Paggalang sa matatanda at paghalik sa kamay
Magagandang kaugalian sa ati’y di dapat mawalay
Ating ipagmalaki, habang tayo’y nabubuhay
Kalinangan nitong lahi, dapat nating ikarangal.
0 comments:
Post a Comment