“Ang pagpapakasal ay hindi tulad ng kaning mainit, na pwedeng iluwa kung mapaso”. Ito ay isa sa kasabihang paulit-ulit na naririnig sa mga matatanda. Minsan naririndi na ang mga kabataan dahil sa walang sawang pagpapaalala ng mga magulang tungkol dito.
Sa hirap ng buhay ngayon, kung iisipin natin, paano na kaya ang buhay-may-asawa? Patuloy na tumataas ang gasolina, ang lahat ng bilihin, marami ang walang trabaho, di nalulutas ang mga problema sa bansa at samo’t saring suliranin ang ating kinakaharap. Paano na kaya kung naroon ka sa sitwasyong … nasa piling ka nga ng mahal mong asawa, subalit may supling kayong nagugutom at di-maibigay ang kanyang pangangailangan? Isipin mong mabuti… kaya mo na bang magpakasal at harapin ang mabigat na responsibilidad?
Sa naghihirap na panahon natin ngayon, mabuti na ang nag-iisip, nagsisikap at naghahanda para sa magandang kinabukasan. Sabi nga sa Bibliya, “May panahon para sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig kung ito ay tunay kayang maghintay”.
0 comments:
Post a Comment