Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa isang ekonomiya dahil malawak ang kontribusyon. Ito ang itinuturing na kaban o pinagkukunan ng pagkain ng isang ekonomiya sapagkat tinutugunan nito ang ating pangangailangan sa araw-araw.
Mayaman ang ating kagubatan sa iba’t ibang klaseng punungkahoy na ginagamit bilang materyal sa paggawa ng bahay, muwebles at iba pang bagay sa konstruksyon. Ginagawang muwebles ang ratan at ginagamit naman sa paggawa ng pintura ang dagta ng ilang kahoy. Ang kamoteng kahoy ay ginagawang pandikit. Ginagamit na hilaw na materyal sa mga pagkaing de-lata ang mga isda at karne mula sa baboy at baka. Maraming pang produkto ang agrikultura na ginagamit bilang hilaw na sangkap sa produksyon ng mga pinabrikang produktong may mataas na halaga.
Maraming mamamayan ang nabibigyan ng trabaho ng sektor ng agrikultura kaya naman hindi nawawalan ng pagkakakitaan ang mga taga-rural kahit pa nagpapakita ng pagbaba ang proposyon ng mga manggagawa. Dito inaasa ng maraming Pilipino ang kanilang ikabubuhay. Pinagkukunan din ito ng nga pondo sa pagtustos ng malakihang pangangapital ng isang lipunan. Pinagkukunan din ito ng kitang panlabas. Nagluluwas ang Pilipinas ng kopra, hipon, prutas, abaka, tabla at mga hilaw na sangkap upang maragdagan ang ating panlabas na kita. Nagsisilbi rin itong pamilihan ng mga produkto sa industriya,sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka, nakabibili sila ng mga produktong ginagawa ng mga industriya tulad ng makinarya sa pagsasaka, abono, damit at dahil may tuwirang pamilihan ng mga industriya, tataas ang kita ng magiging matatag ang sektor ng industriya.
23 comments:
..wlang magawa ,,,anu !!!!
..nakatutulong kayo sa mga estudyante
nc
ang galing nio sana ipag pa2loy nio pa ito c jhamy
po ito......
i wish for you ...
more blessings...
more career...
and more power....
thanx...
(teecheee)
HAPPY HAPPY VALENTINE'S DAY.....
maraming salamat po sa info. . .
maraming salamat po.
Maraming salamat po. :)
maraming salamat sa mga info.na binigay nyo malaking tulong po ito sa mga mag aaral na kagaya ko....
god bless us always
thank u for the info ^_^
tnx laki grade ko hehe
thnaks for the info ;)))
ahahaha.. :D
txns
grabe ang galing tska ano na lang ang mangyayari if there is a world without agriculture db?
please my follow my blog also www.celmarne.blogspot.com
salamat poh
Thank you po dito :)
thanks for this info :D this is very helpful :D
Maraming salamat po sa ibinigay niyong impormasyon! ^_^
sa wakas may nakita na din akng irereport para bukas :)
maraming thank u talaga :) :)
HAY SALAMAT PO RITO !! :)
Post a Comment