Thursday, November 25, 2010

IBA’T IBANG SEKTOR NG AGRIKULTURA



Kapag pinag-usapan ang agrikultura, karaniwang natutunan ang paksa sa pagsasaka. Hindi gaanong nababanggit ang ibang sektor nito. Alam mo ba kung ano ang mga ito?

Talakayin natin upang lalo mong maunawaan.

Paghahalaman

Pangunahing pananim ng bansa ang palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, abaka at maliban sa mga produktong butil, iniluluwas sa ibang bansa ang lahat ng pananim na ito.

Malaki rin ang kontribusyon ng produktong gulay, halamang-ugat at halamang mayaman sa hibla sa gawaing pang-agrikultura ng bansa. Ilang halimbawa ang pagtatanim ng mani, kamoteng kahoy, kamot, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, kalamansi, rubber tree at bulak.

Paghahayupan at Pagmamanukan

Malawak ang industriya ng paghahayupan at pagmamanukan sa bansa kaya maunlad ito. Pangunahing inaalagaan ay mga kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at pato. Sa mga ito, nangunguna ang pag-aalaga ng baboy subalit kalabaw ang higit na pinahahalagahan – kaya nga sinisikap ng pamahalaang di-bumaba ang populasyon nito. Itinatag ang Batas Republika Blg. 7037, ang Philippine Carabao Center sa Muñoz, Nueva Ecija na nangangasiwa sa pagpaparami at pagpapaunlad ng populasyon ng kalabaw bilang katulong sa pagsasaka at pagkukunan ng karne, gatas at katad. Nagtatag din ng batas na natatakda ng gulang ng pagkakatay ng kalabaw para sa pangkonsumo at ang paglilipat ng mga ito sa ibang lugar ng walang kaukulang pahintulot sa pamahalaan ay ipinagbabawal.

Pangisdaan

Isa sa malakas magsuplay ng mga isda sa buong mundo ang pangisdaan.

Nahahati ang industriya ng pangisdaan sa pangingisdang komersyal, municipal at agrikultural, sumunod ang pangingisdang municipal at komersyal.

Hipon at sugpo ang pangunahing produktong iniluluwas sa ibang bansa dahil magagandang klase ng mga ito. Malaking industriya rin ang pag-aalaga ng mga halamang dagat o seaweeds na ginagamit sa paggawa ng halaman.

Paggugubat

Pawala na ang ating gubat subalit patuloy pa rin ang paglinang ng yamang kagubatan bilang isang pang-ekonomikong gawain. Ang mga produktong nakukuha natin mula rito ay troso, tabla, plywood at veneer.

Pagmimina

Isa sa mga bansang may pinakamaraming mina ang Pilipinas kaya maunlad ang industriyang ito. Mga yamang mineral, metal at enerhiya ang matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan. Halimbawa ng mga mineral ay cadmium, chromite, cobalt, tanso, ginto, bakal, manganese, lead, mercury, pilak, nickel, zinc at marami pang iba.

Mga halimbawa naman ng mga hindi metal na mineral ay asbestos, barite, bentonite, semento, luwad, karbon, graba, natural na gas; pertrolyo, sulfur, buhangin, aspalto at marami pang iba.

Isa ang Pilipinas sa nangunguna sa produksyon ng ginto, chromite at tanso. May malaking deposito ng ginto at pilak sa Benguet, Zambales, Cebu, Masbate, Davao del Norte, Surigao del Norte, marinduque at Negros Occidental. Cebu ang pangunahing prodyuser ng tanso.

18 comments:

Anonymous said...

galing din po ba 'yan sa libro ng Ekonomiks 4th Year? kasi parehong-pareho dun sa details sa libro...

Anonymous said...

mas napadali po nito ang paghahanap ko sa libro. maraming salamat po:)

Anonymous said...

someone should have posted the source of this information

Anonymous said...

it's a bit incomplete, but anyway, thanks!

Anonymous said...

anung libro ginamit?

Anonymous said...

uhm what book po,, thanks sa info.

Anonymous said...

GULO ..

Anonymous said...

report ako bukas T_T

Anonymous said...

.. tnx sa information !!

Anonymous said...

alecmartinpalacio@yahoo.com add niyo nlang

Anonymous said...

tnx sa info though it seems the same from econ.book

Anonymous said...

salamat! :)

Anonymous said...

aaaaaah un pla un hahaha but anyway thanks f0r inf0rmati0n :)

Michael Reyes said...

salamat po sa info, sana madami pa kayo masagot na tanong!

Anonymous said...

tnx for the info.

Anonymous said...

mali naman ung PAGMIMINA idol ee

Anonymous said...

maayos nakakatulong,dagdag sa kaalaman ito. N.A.S

Anonymous said...

skwater ka ba??

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved