Malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang nagawa ng malayang pakikipagkalakalan natin sa Estados Unidos. Noong 1903, itinadhana ng Kongreso ang 20% diskuwento sa taripa ng lahat ng mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Amerika. Nakapapasok nang malaya ang mga produktong Pilipino sa mga pamilihan ng Amerika. Natuon ang pakikipagkalakalan noon ang bansa sa Estados Unidos kaya't di-na gaanong nabigyang-pansin ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa tulad ng Tsina, Inglatera at iba pang bansa.
Taong 1909 nang aprubahan ang Batas Payre Aldrich na nag-aatas sa pag-alis ng kota ng mga takdang bilang ng mga produktong inaangkat at ang kaukulang pataw na buwis na adwana. Kasama na rin dito ang lahat ng produktong Pilipinong iniluluwas sa Amerika maliban sa bigas.
Lalong natamasa ng mga mamamayan ang kaunlaran ng kabuhayan nang aprubahan ang Batas Simon Underwood. Namayagpag sa pandaigdigang kalakaran ang mga produktong gaya ng asukal, yantok at pataba. Lumikha ng sariling pangalan sa daigdig ng komersiyo ang Pilipinas. Tumaas ang kita ng pamahalaan parang kidlat sa bilis ang naging pangyayari. Umunlad din ang mga lokal na produkto kaalinsabay nito, kahit pa hawak ng mga Intsik ang ibang negosyo. Maraming dayuhan ang naganyak na maglagak ng puhunan at pati likas na yaman ng bansa ay nalinang at nagamit sa iba't ibang industriya.
Parang kabuting nagsulputan ang iba't ibang kalakalan. Nariyan ang mga pagawaan at industriya. Nanguna rito ang pagawaan ng sigarilyo at tabako, asukal, alkohol, lubid at pabrika ng langis ng niyog.
18 comments:
Salamat po sa pag-post nito
nakatulong po ng sobra thank you
salamat po may nakuha ako ng maraming sagot...........
salamat po
salamat makakagawa na ako ng skript sa role playing namen
thx ! for this ! assignment nmin tuh eh ^.^ kyoot ng background music
you're the best poster ever!!!
thanks for this :)
ty..........for the efforts made
konti naman ng sagot......
good
salamat :)
salamat namn nahanap ko ito,,,ito kaxi ung research work namin..continue blogging..;)
thanks,i'm now ready for my next lesson!
hmmmppp,, uala aquh nquha eehhh,, but tnxx n din x pagpost,,, :)
nakatolong po nag marami
Patulong po pano yung pamumuhay ng mang gagawang pilipino noong panahon ng amerikano. Need ko lang please?
Patulong po pano yung pamumuhay ng mang gagawang pilipino noong panahon ng amerikano. Need ko lang please?
Post a Comment