Thursday, November 25, 2010

Edukasyon sa Pilipinas sa Panahon ng Amerikano



Kung sinagkangan ng mga Kastila ang kalayaan sa pamamahayag at hangaring mapayabong ang isipan at kaalaman sa pagtuklas ng talino ng mga Pilipino, sa panahon ng Amerikano ay nagkaroon ito ng katuparan. Edukasyon ang pinakamahalagang naipagkaloob nila sa atin.

Maraming pagbabagong ipinakilala ang mga Amerikano sa Pilipinas. Isa sa mga ito ang edukasyon. Itinuro nila ang wikang Ingles at ang mga unang guro ay sundalong Amerikano. Napalitan sila nang magpadala ng 600 guro ang Estados Unidos noong ika-23 ng Agosto, 1907. Sakay sila ng barkong St. Thomas kaya tinagurian silang Thomasites. Sila ang nagsilbing tagapagligtas sa kumunoy ng kamangmangan. Ang mga aklat na ipinagamit sa mga mag-aaral ay sinulat lahat at nilimbag sa Amerika.

Naging sapilitan ang libreng pag-aaral sa elementarya. Itinuro sa mababang paaralan ang pangunahing kaalaman tulad ng pagbasa, pagsulat, pagbaybay at Aritmetika. Di naglaon, nadagdagan na rin ito ng mga asignaturang musika, pagguhit, sining at industirya, agham panlipunan, edukasyong pangkalusugan at edukasyong pangkagandahang-asal. Pitong taon ang itinakdang pag-aaral para sa elementarya.

Ipinatupad naman ang apat na taong kurso para sa mataas na paaralan. Ipinadadala sa Amerika ang mga pantas na mag-aral sa gugol ng pamahalaan. Itinuring silang haligi ng karunungan. Pagbalik nila sa Pilipinas ay pinagtuturo sila o di-kaya'y pinatatrabaho sa iba't ibang tanggapang Normal ng Pilipinas noong 1901 sa pamamagitan ng paaralang ito'y, muling sumilay ang liwanag sa nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong naghahangad maging guro at makatuwang ng bansa sa pagpapalaganap ng edukasyon. Kasabay nito'y nagsimula na ring magbukas ang iba pang mga pribadong paaralan tulad ng Far Eastern Univeristy Centro Escolar University at Philippine Women's University.

1908 nang maitatag naman ang Pamantasan ng Pilipinas. Nagbukas ito ng pagkakataon para sa mga mayayaman at mahihirap na nais magduktor, maging inhinyero at komersiyo. Ito ang naging tanglaw ng nalulong nilang pangarap. Nagtayo rin ng mga paaralang bokasyonal upang ihanda ang mga Pilipino sa mga hanapbuhay na nais nilang pagkakitaan at makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

5 comments:

Anonymous said...

This was very helpful. Thank you =) Check your grammar mistakes, please ;)

Anonymous said...

Uhm. Ano pa ba ang mga paaralan noong panahon ng amerikano? :) Answer please!

Anonymous said...

salamat po =)) ang laking tulong po nito SALAMAT! XD

Anonymous said...

salamat p ang laki p ng tulong ni2 s akin tnxx.......

Mya M on April 18, 2022 at 4:08 AM said...

Yourr the best

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved