Sa pinuno nakasalalay ang paghubog ng pamahalaan at kapalaran ng bansa. Ang Hapon ay isa sa maituturing na pinakamayamang bansa sa kasalukuyan na sumusunod sa Estados Unidos. Ang pag-unlad ay makikita sa kasalukuyang kalagayan ng bansa kung ihahambing sa ibang bansa sa Asya: Napakahusay ang naging kasaysayan ng bansa upang maituwid ito sa istilong nagpaunlad sa tinatamasang karangyaan.
Ang pamahalaan ng Hapon sa ngayon ay nasa ilalim ng konstitusyon noon pang 1947 na pinagtibay para sa pagbuo at pamamahala ng isang bagong Hapon. Ang bansa ay pinamumunuan sa isang Punong Ministro. Ang pamahalaan ay binubuo ng limang pangunahing institusyon; Ang Emperador, ang Diet, ang Gabinete, ang Hudikatura at Pamahalaang Lokal. Ang bawat institusyon ay may kanya – kanyang tungkuling ginagampanan.
Ang Emperador ay nananatiling isang simbolo at walang kapangyarihan sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang Diet o parliamento ang siyang pumipili ng pinuno ng estado at gumagawa ng batas. Binubuo ng parliamento ang Mataas na Kapulungan at ng mga konsehal at ng Mababang Kapulungan ng kinatawan. Ang miyembro ng Mataas na Kapulungan ay inihalal ng mga prepekstura o pangunahing dibisyon ng pamahalaang lokal samantalang ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ay inihahalal ng mga distrito ng elektoral na umaabot na 30. Ang Pinunong Ministro ang pinuno ng estado at ang pangunahing tungkulin ay pangasiwaan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan paghaharap ng panukalang batas at pag-uulat ng Diet sa kalagayan ng bansa at sa ugnayang panlabas nito ng Hudikatura. Maraming katangian ang sistemang hudisyal ng Hapon ay hango sa sistema ng Estados Unidos. Ang punong hukom ng Korte ay hinihirang ng Emperador.
Ang institusyon ng pamahalaang lokal ay nagtatamasa rin ng kapangyarihan. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi ng mga prepekatura,lungsod at bayan. May mga pinuno ang mga ito, gobernador para sa prepekatura, at alkalde para sa mga lungsod at bayan. Pinangangasiwaan ng mga pamahalaang lokal ang kanilang nasasakupan.
Sa sistemang pulitikal maraming partidong pampulitika ang umiiral. Humigit kumulang apat ang pangunahing partidong kalahok sa pulitika. Pero sa malaking bahagi ng kasaysayan ng pulitika ng bansa, isang partido ang naghari, ang Liberal Demokratik Party. Tulad natin ang publiko ay may karapatang pumili ng mga pinuno ng pamahalaan.
7 comments:
ang pangit ! ang taas-taas ! erfanget ! grrrrr. liwat sa nagbuhat. WHATEVER ! ayoko sa freak! :P
ang ganda kaya. anu ? :D
haaaaaaaais. nakita rin kita sa wakas ! :DDD cha-ching cha-ching..
nasaan na yong pagsaktan ng hapones sa filipino? diba ang sama-sama nila? tapos ang babae, *RIDICIOLOUS* =hindi ko nlng i-sabi
add --> john_enrico_comia21@yahoo.com?? XD lol. di ito ang hinahanap ko..
:P
incomplete muwt
this is not as good as i expected but then some of the informations are ok
pangit
Post a Comment