Asya: ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo; tahanan ng kalahati ng populasyon ng daigdig at sinilangan ng mga unang sibilisasyon ngunit dahil din sa kanyang kalakhan, nananatiling iba-iba ang pananaw ng mga kanluranin tungkol sa Asya.
Ang Asya ay may halu-halong topograpiya: ang malamig na tundra ng Siberia, ang mga maiinit na disyerto sa Gitnang Silangan, at agrikultural na kapatagan sa Timog, Silangan at Silangang Asya. Sa mga katangiang ito, masasabing ang mga likas na yaman dito ay sari-sari. Ang disyerto ng Timog Kanluran ay tanyag sa mga pinagkukunan ng “itim na ginto” - ang langis. Nakukuha naman sa kagubatan ng India at Indo-China Peninsula ang goma, habang ang mga kapatagan ng Timog Silangan at Mainland China ay sagana sa mga produktong agrikultural.
Bunga rin ng heograpiya ang pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao sa Asya. Ang mga Caucasoid sa Timog Kanluran; ang mga Mongoloid sa China, Japan at Korea; ang mga Malayo Sa Timog Silangan, habang sa Pilipinas ang lahing Negroid. Ang mga bundok ng Himalaya ang magsisilbing pader na humaharang sa Hilaga at Timog Asya – bunga nito ay ang pinanatili ng mga lahing puti (Ruso, Kazahk, Aghan) sa Hilaga at ang mga itim (Indian, Pakistani) sa Timog. Ang kasanayan sa paglalayag ng lahing Malayo ang dahilan upang manirahan sila sa arkipelohikal na Timog Silangan. Ang mga Mongoloid ay nanatili sa Silangang Asya dahil sa angkop na klima dulot ng kasingkitan at kapusyawan ng kulay balat). Sa Asya rin sumibol ang mga pangunahing relihiyon sa buong mundo. Maliban Sa Kristiyanismo na lumayag sa Europe, Amerika at Pilipinas (sanhi ng pag-sakop ng Kastila) kapansin-pansin ang paglakas ng impluwesyang Islam sa Timog Kanluran, Pakistan, Indonesian, Malaysia at Mindanao. Samantalang ang Budismo ay may malakas na bilang ng pananampalaya sa India, Sri Lanka, Indo-China Peninsula (maliban sa Vietnam) at Silangang Asya. Ang Mindanao ay may malakas na presensya sa Timog Asya; Ang Confucianismo ay kumalat sa China, gayundin ang Taoismo, habang sa Hapon ay Shintoismo rin ang namamayani. Patunay na malakas na presensiya ng mga relihiyong ito ang mga mosque sa mga bansang Islamiko, mga pagoda sa mga bansang Budista, mga templo sa India at mga simbahang Katoliko sa Pilipinas.
Sa mga kaibahang ito nagkaroon ng linya sa pagitan ng mga bansa sa Asya; ang mga salik pangheograpiya at pangkultura ang nagbibigay ng malakas na impluwensiya sa mayayaman at mahihirap na bansa sa kontinente. Ang Japan halimbawa, sa kilos ng kasalatan sa likas na yaman at pagiging isang bansang Hinduism ay nagamit ang lakas-paggawa at sariling teknolohiya upang maging pinakamaunlad na bansa sa Asya at isa sa buong daigdig. Tulad ng Japan, ang Hongkong, Taiwan, Timog Korea at Singapore, sa kabila ng kaliitan ng sukat ay naging mga sentro rin ng industriya, komersiyo at kalakalan sa kontinent. Ngunit iba ang kaso sa China. Ang dating “sleeping giant” dahil sa pagiging mahirap na bansa sa kabila ng mahigit isang bilyong populasyon ay nagising upang humanay sa pinakamaunlad na bansa sa mundo. Sa kabila nito , marami pa ring bansa ang nananatiling mahirap dala ng impluwensya ng relihiyon at heograpiya tulad ng India, Bhutan, Nepal, Bangladesh, Timog Kanluran at iba pang bansa sa Timog Silangan. May iba ring bansang hindi hadlang ang heograpiya sa pag-unlad, tulad ng Russia, na dala na rin ng pagiging malapit nito sa mas maunlad na Europa.
Malaki ang impluwensya ng heograpiya sa pagkakaroon ng iba’t ibang mukha ng Asya. May mga magagandang bunga tulad ng pag-unlad, ngunit mayroon pa ring mga bansang nagdarahop, samakatuwid, nasa heograpiya ng isang bansa kung ano ang ikauunlad nito.
1 comments:
.. salamat poe sa inyu :D ganda pa ng theme song hihihi.. love iiu!!! pilipinas!!!
Post a Comment