Ang enerhiya ay ginagamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika, elektrisidad at sa mga sasakyan (kotse, trak, bapor, eroplano, atbp.). Ang pinagkukunang enerhiya ng Pilipinas ay ang langis, lakas-haydrodektrik (lakas na galing sa katubigan o talon), lakas-heotermal (singaw-init sa ilalim ng lupa, karbon, bagaso (sugar cane wastes), lakas sa araw (solar power), biogas (pinatuyong dumi o basura), natural na gas at alkogas (pinaghalong alcohol at gasoline).
Nakakakuha ng langis sa ilang balon sa Palawan ngunit kulang ito upang tustusan ang pangangailangan ng ating bansa. Nangangailangan pang umangkat ng langis mula sa ibang bansa upang matugunan ang ating pangangailangan. Malaki rin ang pag-asa ng pamahalaan na makakakuha ng mga deposito ng langis sa Isla ng Kalayaan at iba pang lugar sa Pilipinas. Marami na rin ang enerhiyang nakukuha sa hydro-elektrisidad tulad ng sa Ilog Caliraya, Dam ng Ambuklao, Binga at Chico sa Hilagang Luzon, Pantambangan Dam sa Nueva Ecija, Talon ng Botocan sa Laguna at Talon ng Maria Cristina sa Lanao.
May plantang nuklear sa Morong, Bataan ngunit pinag-aaralan pa kung itutuloy ang pagpapaandar nito dahil sa malaking panganib na idudulot nito sa kapaligiran kung ito man ay masisira at magkakalat ng radyasyon at polusyon. Marami ring mga mamamayan ang hindi sumasang-ayon na paandarin ito dahil sa natuklasang mga depekto ng pagkakagawa nito.
14 comments:
6 lng po ba ang mga pinagkukunan ng lakas ng enerhiya ng ating bansa????????????
SALAMAT
Thanks po ! youu help me so much so.. thanksss ..
iLy.! xD
tnx
salamat
wala po ba kayong matinong sagot nakauubo kayo nang time eh
ty po sa paglalagay nito napadali ang assign ko..
thank you po
pa tulong po please ..need ko kaC..
"papaano nakakakuha ng enerhiya sa talon?"
..un po yung tanong...pakisaogt po please:')
thank you very much...
i am trying to learn more tagalog words and this blog really helped me in my ass. when i found this blog its really something...something that i cant even know how to put it in words
alam nyo ba yung kasalukuyang kalagayan ng enerhiya please help us in our assignment
thanks
ano po ba ang kasalukuyang kalagayan ng enerhiya sa ating bansa??
ano po ba ang kanilang mga programa?
Post a Comment