Thursday, November 25, 2010

BATAS NG DIYOS, SUNDIN MO



Laganap ang takot at pangamba sa bawat sulok ng daigdig. Krimen, korapsyon, alitan, kawalang katarungan ng batas, mga kabataang lito at naliligaw ng landas. Lider na punung-punong pag-iimbot at mga pamilyang watak-watak. Damang-dama ang kawalan ng kasiyahan sa buhay ng tao. Nasaan ang kasagutan sa ganitong kabutihan?

Oo, may solusyon ang bawat problema. Muli nating balikan, pahalagahan at sundin ang tunay na batas. Ang batas ng nagbibigay ng kapahingahan, direksyon at kaligayahan sa bawat puso ng tao… ang batas ng Diyos.

Isapuso natin ang kanyang salita. Ang kapahayagan sinabi Niya sa aklat ni Juan 15:12 Ito ang Kanyang utos “Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig Ko sa inyo. Walang hihigit pa sa pag-ibig ng isang tgaong nag-aalay sa kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” Kung susundin ng bawat isa ang kanyang itinakdang batas, maghahari ang pagbibigayan, pagkakaisa, pagkakaunawaan, pagtutulungan at katapatan ng bawat isa sa kanyang lipunang ginagalawan anuman ang kalagayan niya sa buhay, kabataan, magulang, guro, doktor, nars, prinsipal, akawntang, sundalo, dyanitor, senador, kongresman at maging ikaw man ang preesidente ng bansa.

Panahon na upang pagnilay-nilayin at tuparin ang batas ng Diyos nang sa gayo’y makamit natin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, dedikasyon at pagmamalasaki sa ating kapwa, pamilya, lipunan at sa ating inang-bayan.

Ang paghamon ay nasa inyong mga kamay.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved