Anong uri ng lipunan ang inyong ginagalawan kung walang pamahalaang may kakayahang magpanatili ng kapayapaan at kaayusan? Kung ang lipunan ay punung-puno ng kapangyarihang walang iniisip kundi ang pansariling interes. Mahalaga ang pamahalaan, sila ang nagbibigay ng proteksyon sa mga karapatan ng tao at nagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa karapatan ng tao.
Sa kasalukuyan, ang pamahalaang Pilipinas ay patuloy sa pagpapangkat ng kabuhayan ng mga Pilipino at sa pagpapahalagang moral ng tao maging sino ka man. Iba’t ibang proyekto ang mabisang naisagawa ng pamahalaan. Isa rito ang naisagawang pambansang rekonsilasyon ang nagbigay sa mga dating komunista at humiwalay sa pamahalaan ng tulong sa mga proyektong pangkabuhayan. Ang layunin ng proyekto ay maiangat ang kalagayan sa lipunan.
Ang Departamento ng Pamahalaang Panglokal ang pangunahing ahensya ng pamahalaan ang nagtaguyod sa Pambansang Rehabilitasyon at Programang Pangkalinangan sa pakikipag-ugnayan sa Departamento ng Kalakal at Industriya, Departamento ng Agrikulttura, Repormang Pang Sakahan, “National Housing Authoriy” at iba pang pangunahing ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga proyektong pangkabuhayan ay produksyon ng bigas at mais, pag-aalaga ng baboy, at sari-sari store, manukan at pag-aalaga ng kambing at “see weeds farming”. Nais ring matulungan ang mga dating rebelde na maging produktibo at magkaroon ng mapayapang buhay. Ang ayaw na manirahan sa dati nilang lugar ay ipadadala sa iba’t ibang sentro ng bayanihan sa buong kapuluan.
Sa proyektong ito, umasa ang pamahalaan na maraming rebelde ang susubo at maaaring makaatulong sa paglutas ng problemang “insurgency” upang matamo ang tunay na kapayapaan sa sariling bansa.
Mabisa ang proyektong ito, marami pang ginagawa ang pamahalaan para sa kabutihan ng lahat ng uri ng mamamayan, mahirap man o mayaman, matalino man o mangmang, bata o matanda, may kapansanan o wala at kahit saan mang sulok ng Pilipinas ay magpapatuloy ang ating pamahalaan sa kanyang dakilang layunin.
Halina at makiisa tayo sa ikatatagumpay ng lahing Pilipino!
1 comments:
Nice...
Post a Comment