I. Panahon pa ng Kastila ay nararamdaman na ng ating mga ninuno ang pagkakaroon ng demokrasya bagama't hindi ganap.
Noong 1892, kahit ang bansa'y nasa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila, itinatag ng mga Pilipino sa pamumuno ni Dr. Jose Rizal ang isang lihim na samahan - ang La Liga Filipina. Naghalal sila ng mga pinuno. Lumitaw ang mga pangalang Deodrato Arellano, Roman Basa at Andres Bonifacio na di-kalaunan ay kinilalang supreme ng Katipunan. Ang kanyang panunungkulan ay hindi nagtagal dahil sa mga pangyayaring hindi kanais-nais at ito'y nagbunga sa pagkamatay ng Supremo.
II. Dumating din ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano hanggang sa maibigay sa mga Pilipino ang kalayaang kanilang inaasam. Kasabay nito ay nararamdaman ng balana ang pagbibigay-pansin sa karapatang pantao. Taong 1937, lumitaw ang mga pangalang Felisa Ochoa, Carmen Peramas at iba pa. Ang kanilang pambihirang kakayahan ay pinatiwalaan kaya sila'y nabigyan ng tungkulin sa pamahalaan.
III. Sa kasalukuyang panahon, patuloy ang panunumbalik ng demokrasya sa ating bansa mula sa isang makasaysayang pangyayari sa Edsa.
Noong Pebrero 22-25, 1986 ay naganap ang matahimik at pambihirang rebolusyon. Ang People Power. Walang dugong dumanak at ang demokrasyang pinapangarap ay napagtagumpayang maibalik. Ito'y labis na hinangaan at di naglaon ay pinamarisan ng iba pang sumisibol na demokrasya. Naging inspirasyon ito ng mga bansang Germany, Hungary, Korea, Rusya, maging Tsina at Mayanmar. Naging inspirasyon nila ang kabayanihang pinamalas ng mga Pilipino.
I. Kaugnay nito, kinilala ang Pangulong Corazon Aquino bilang simbolo ng pagbabalik ng demokrasya at ipinagpatuloy naman ng sumunod na pangulo ng bansa, Pangulong Fidel V. Ramos ang muling nagpatatag ng ating pamahalaan at nagpaunlad ng ating ekonomiya.
Sa gabay ng saligang batas ng 1987, ang mga Pilipino bilang isang lahi ay nagkakaisa at nagtutulungan upang sabay-sabay na bumangon bilang isang lipunang malaya.
0 comments:
Post a Comment