Friday, November 26, 2010

(Ang Kasaysayan ng Ating Watawat)



Mula sa salaysay na binasa ay magbibigay ng input ang guro tungkol sa layon at uri ng texto.

Kasaysayan ng Pambansang Watawat

Ang pandigmang bandila ng katipunan ang kauna-unahang watawat na ginamit sa ating bansa. Ito'y pula, haba at may apat na tatsulok. Nakalagay sa gitna ang mga kulay pulang titik na KKK na nangangahulugang Kataas-taasa't Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ito ang ginagamit ng katipunan sa kanilang lihim na pagpupulong. Di-naglaon, gumamit naman si Bonifacio sa kanilang unang pakikihamok ng bandila na may isang puting araw na maraming sinag at mayroon ding tatlong K.

Habang lumilipas ang panahon ay nagkakaroon din ng pagbabago ang ating watawat. Kakaiba naman ang lumitaw na bandila. Sa halip na tatlong K ay isang araw na may walong sinag ang nalagay sa gitna ng pula. Sa gitna naman ng araw ay isang K ang nakaguhit sa katutubong titik-Tagalog. Ang walong sinag ay tumutukoy sa walong lalawigang unang nagbunsod ng paghihimagsik sa pamahalaang Kastila. Ang titik na K ay kumakatawan sa Katipunan at ang araw ay sa kalayaan.

Si Heneral Gregorio del Pilar ay nagpagawa rin ng watawat para sa kanyang pinamumunuang pangkat ng hukbo. Mayroon itong isang triyanggulong bughaw na sagad sa kinakabitang tagdan. Ang natitirang kahabaan ay hati sa dalawang kulay: pula sa itaas at itim naman sa ibaba. Ang kulay na bughaw o asul ay sumasagisag sa katarungan, ang pula ay digmaan, at ang itim ay kamatayan. Ito ang siyang pinaghugisan ng bandilang kinikilala at ginagamit ngayon.

Mula sa Hongkong ang pinakamataas na pinuno ng rebolusyong gobyerno ng Pilipinas Heneral Emilio Aguinaldo ay nag-uwi sa ating bansa ng isang watawat na siya nating naging pambansang bandila. Ito ay tinahi sa Hongkong nina Marcila Agoncillo kasama ang anak niyang si Lorenza, isang kamag-anak ni Dr. Jose Rizal na si Delfina Herbosa Natividad. Ito ay may isang triyanggulong puti sa may dakong tagdan at sa gitna nito'y may isang araw na dilaw na may walong sinag. Sa tatlong sulok ay may tig-isang dilaw na bituing tig-lima ang tulis.

Ang bawat kulay ng ating bandila ay may kani-kaniyang kahulugan. Anu-ano nga ba ang mga ito? Ang pula ay katapangan at lakas ng loob ng lahing Pilipino. Ang bughaw ay nagpapahayag ng katarungan ng ating minimithi at ang puti ay nagpapakilala ng dalisay at marangal na kalooban. Ang tatlo naming bituing dilaw ay kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa ating bandila ay makikita ang araw na dilaw na sumasagisag sa kalayaan at ang walong sinag ay kumakatawan naman sa walong lalawigang unang naghimagsik laban sa mga Kastila. Kay sarap gunitain ang kasaysayan ng ating bandila, ang ningas ng pagmamahal at pagkakaisa ng lahing kayumanggi.

12 comments:

Anonymous said...

Ang Daming Informations :) At Perfect Na Perfect Ang Mga Answer :)

Anonymous said...

Naka Perfect Ako Sa Mga INformations Na To :)

Anonymous said...

an dami dami nito grabe pero sigurado perfect

Anonymous said...

super solid!! salamat talaga

Anonymous said...

yes nagawa ko dn assignment ng kptbhay namin hahaha thank u :)

Anonymous said...

uhm..
d ko nahanap yung sagot ko dito. =(

Anonymous said...

eto ako oh --> rafael_pabalan@yahoo.com

Anonymous said...

there is no meaning for tho word "BOO"

Anonymous said...

WOW

Anonymous said...

salamat ng very much... :D

Anonymous said...

wow thanks talaga :D Your blog is very informative

Anonymous said...

thanks po sa blog perfect po ung info.

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved