Ang Kristiyanismo ay nagsimula sa Palestine, sa rehiyong kilala sa kasalukuyan sa Israel. Noong panahong iyon ng Palestine, ang lupain ng mga Hudyo, ay isang lalawigan ng Imperyo ng Roma.
Ang nagtatag ng Kristiyanismo ay si Hesucristo. Ipinalagay ni Hesus at ng kanyang mga tagasunod na mayroon lamang isang Diyos, at lahat ng tao ay magkakapatid. Sinasabi nito na lahat ng tao ay dapat magmahalan sa isa’t isa at tratuhin ang bawat isa nang mga katarungan at pagkahabag. Sinasabi nila na kung ang tao ay may pananalig sa Diyos at mamuhay nang maayos, matatanaw nila ang buhay na walang hanggan sa langit.
Naniniwala ang mga tagasunod ni Hesus na Siya ay anak ng Diyos na ipinadala upang maghatid ng kaligtasan sa sangkatauhan. Ipinalagay ng mga Romano gayunman, na Siya at ang kanyang mga tagasunod ay mapanganib sa awtoridad ng Roma. Pinatay ng mga taong kumikilala sa Roma si Hesus. Ang Kanyang mga tagasunod, kilala sa kasalukuyan ng mga Kristiyano, ay ikinulong, pinalo o pinatay. Sa kabila nito, nagpatuloy na lumaganap ang Kristiyanismo. Maraming tao sa Imperyo ng Roma ang nawalan ng pananalig sa lumang relihiyon ng pagano. Ang bagong relihiyon ay nagbigay ng kaginhawaham at pag-asa, lalo na sa mahihirap at mababang uri ng tao. Ang matatapang na pinunong Kristiyano gaya ni Pablo ng Tedeus ay nagtatag ng mga pamayanang Kristiyano sa maraming panig ng imperyo. Tinutulungan nila ang mga pamayanang ito na maging malapit sa isa’t isa. Sinikap ng Roma na wasakin ang Krisitiyanismo, subalit sila’y nabigo. Hanggang sa kasalukuyan patuloy na lumalaganap ang Kristiyanismo. Maraming tao ang patuloy na nanininiwala sa kapangyarihan ni Hesucristo. Ang Kanyang katuturan ay patuloy na lumalaganap. Nananatili itong tunay at buhay sa mga taong nananalig sa Kanya. Kaya’t kaylan man di kayang wasakin o hadlangan ng sinuman ang paglaganap ng Kristiyanismo sa sanlibutan.
5 comments:
hindi naman ito yung hinahanap ko, eh! WAIST OF TIME... :p
wrOnG spELlinG ka...WASTE OF TIME
wrOnG spELlinG ka...WASTE OF TIME
hay leche! sabi sa Pilipinas!!! tanga ka ba?
o papansin lng talaga???!?!?!
putangna mo!
san
dto
sgot
Post a Comment