Friday, November 26, 2010

Ang Isyu ng IndusTriyalisasyon Sa Pilipinas



Ang industriyalisasyon ay isang baytang sa pagpapaunlad ng ekonomiya na tinatampukan ng pagsulong ng pagpapabrika sa mga gawaing produktibo ng isang ekonomiya at lahat halos ng mga bansa ay naghahangad na matamo ang estadong industriyal para sa kanilang ekonomiya sa lalong madaling panahon, ngunit ang proseso ng industriyalisasyon ay hindi simpleng pagbabago sa istratraktura ng produksyon sapagkat mahahaba ang daan na dapat daanan sa proseso ng industriyalisasyon.

May mga pamamamaraan na may kiling sa paggamit sa sangkap na paggawa kaysa sangkap na kapital at ito ay tinatawag na teknolohiyang matindi sa paggawa. Samantala, may tinatawag ding teknolohiyang matindi sa kapital sapagkat ang pamamaraan ng produksyon ay may kiling sa paggamit ng sangkap na kapital. Ayon sa teorya ng demand, kapag ang presyo ng isang bagay ay mataas, tinitipid nito ang paggamit nito. Sa kabilang dako, kapag mababa naman ang presyo nito, lalo mo itong ginagamit. Kung gayon, kapag ang presyo .ng paggawa o ang pasahod ay mababa dapat gumamit ng mga teknolohiyang matindi sa paggawa. Sa kabilang dako, kung ang presyo ng paggawa o pasahod ay mataas at ang presyo ng kapital ay mababa, ang teknolihiyang matindi sa kapital ang nararapat gamitin.

Ang pagamit din ng nararapat na teknolohiya ay isang mahalagang isyu sa ating bansa dahil malaki at mabilis ang paglaki ng ating populasyon at may kasaganaan tayo sa sangkap ng paggawa. Dahil sa kasaganaang ito, nagiging mura ang pasahod sa mga manggagawa, kung gayon, nararapat gamitin ang teknolohiyang matindi sa paggawa upang maging mabisa tayo sa mga limitadong pinagkukunan ng ekonomiya.

4 comments:

Anonymous said...

jawa mo!
tang ina mu gago ka!

Anonymous said...

gaya2x xAh borAcay..'xhiT!

Anonymous said...

nice ! tnx sa sagot sa report q ..

Anonymous said...

Bat gnun...kulang pa rin pero salamat!!!@@

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved