Friday, November 26, 2010

ANG BABAE SA SINAUNANG KULTURANG PILIPINO



Sa sinaunang kulturang Pilipino, ang babae ay laging nasa ilalim ng kapangyarihan ng lalake na nagpapaalaala rin sa isang bahagi ng nasulat sa Bibliya na nagsasabing si Eba ay kinuha lamang sa tadyang ni Adan. Naragdagan pa ang sitwasyong ito ng mahabang panahong pananakop ng mga Kastila sa ating bansa. Sa panahong ito, ang mga kababaihan ay pantahanan at pansimbahan lamang sa halip na maging produktibo. Bukod sa pagdarasal at ilang mga gawaing panrelihiyon, sila ay matiyagang naggagantsilyo ng mga gamit pansimbahan at pantahanan na animo’y dekorasyon sa lipunang ginagalawan. Sa tahanan sila’y tagapangalaga sa kanilang mga anak at personal na pangangailangan ng kanilang mga kabiyak bukod sa mga gawaing bahay na kung bibigyan pa ng pagkakataon ay marami pang magagawa. Sa paggawa ng desisyon, ang mga nakatatandang lalaki tulad ng ama at kapatid ang siyang nasusunod maging sa pag-aasawa na isang pagkitil sa kanyang kalayaan. Sa pag-aaral, mabigyan man sila ng pagkakataong tumuntong sa paaralan ay may hangganan hindi tulad ng mga kalalakihan.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga naging sitwasyon ng mga kababaihan sa sinaunang panahon na kung idaragdag pa ang mga larawang likha ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nobelang nasulat ay tunay na nagpapakita ng anyo ng mga kababaihang animo’y walang lakas at kakayahang lumahok sa mga gawaing panlipunan maging pambansa.

Hanggang dito na nga lang ba ang anak ni Eba?

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved