Repablic act 9165
Ang Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas ay isang Batas Republika ng Pilipinas. Kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nilalayon ng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
Ang mga Batas Republika ay may maraming pangalan. Noong panahon ng mga Amerikano, ito ay tinatawag na "Acts", pero noong panahon ng Komonwelt ng Pilipinas, ito ay tinatawag na "Commonwealth Acts" (mga Batas Komonwelt). Pagkatapos ng kalayaan, pinalit ang pangalan sa "Batas Republika", pero ito ay pinalit sa "Batas Pambansa" noong panahong Marcos dahil sa paglikha ng Batasang Pambansa. Binalik ang pangalan sa "Batas Republika" noong 1986, pagkatapos ng Rebolusyong EDSA.
Ang Republic Act 9165 ang tinaguriang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ano ang layunin ng RA 9165?Layunin ng RA 9165 na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalung-lalo na ang mga kabataan, laban sa pinsalang dulot ng droga.
Sinu-sino ang nasasakop ng RA 9165? Mapaparusahan sa ilalim ng batas RA 9165 ang mga taong:
• nagbebenta; at
• gumagamit ng ipinagbabawal o ilegal na droga at mga kauri nito.
Paano makakatulong ang RA 9165 sa anti-drug policy ng pamahalaan? Sa pamamagitan ng RA 9165, titiyakin ng pamahalaan na:
• mahuhuli ang mga taong nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at mapapatawan sila ng kaukulang parusa;
• magkakaroon ng isang pambansang programa sa pagsugpo sa pagkalat ng ilegal na droga upang ang mga taong nangangailangan ng gamot na ipinagbabawal ay malayang makagamit nito para sa kanilang karamdaman; at
• magkakaroon ng tuloy-tuloy na programa para sa gamutan at rehabilitasyon ng mga nagiging biktima ng pang-aabuso ng gamot.
Anu-ano ang mga tinatawag na bawal na gamot?
Nakasaad sa RA 9165 ang listahan ng mga ipinagbabawal na gamot at mga kauri nito. Narito ang ilan sa pinakamadalas na abusuhing gamot:
• marijuana, marijuana resin, o marijuana resin oil;
• methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o mas kilala sa tawag na “ecstasy”, paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), lysergic acid diethylamine (LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), at mga kauri nito, o anumang bagong tuklas na gamot at kanilang pinagkunan nito na hindi naman nakakagamot;
• methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu, ice, o meth;
• opyum;
• morpina;
• heroin; at
• cocaine o cocaine hydrochloride.
Ano ang ibig sabihin ng “pangangalakal (trafficking) at
paggamit” ng ilegal na droga o ipinagbabawal na gamot?
• Pangangalakal - kasama rito ang pagtatanim, paggawa, pagkakalat, pangangasiwa, pagbuo, pagbebenta, pag-angkat, pagluluwas, at pag-aari ng anumang ipinagbabawal na gamot at kauri nito.
• Paggamit - tumutukoy sa pagtuturok (sa pamamagitan ng ugat o kalamnan), pag-ubos (sa pamamagitan ng pagnguya, paghithit, pagsinghot, pagkain, paglunok, o pag-inom), o anumang paraan para makapasok ito at makaapekto sa katawan ng tao.
Ano ang mga ilegal na gawaing may kaugnayan sa
pangangalakal at paggamit ng ilegal na droga at ang
karampatang parusang ipapataw sa mga ito?
1. Pag-angkat
A. ng ilegal na droga -- Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multang P500,000 hanggang P10,000,000
B. ng mga pinagkunan at kailangang Kemikal-- Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
• mga gawain sa A at B na gamit ang diplomatic passport- Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• bilang tagatustos sa Gawain A at B-- Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• bilang protektor ng gawain A at B-- Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
2. Pagbebenta, pangangalakal, pangangasiwa, pagkakalat, pamamahagi, at paghahatid
A. ng ilegal na droga--Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multang P500,000 hanggang P10,000,000
B. mga pinagkunan at kailangang Kemikal--Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang
P100,000 hanggang P500,000
• kung ang A at B ay naganap sa lugar na 100 metro lamang ang layo mula sa paaralan—Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• kung ang A at B ay nag-empleo ng mga menor de edad o may kapansanan bilang tagapagdala at tagapagkalat--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• kung ang biktima ng A at B ay mga menor de edad o may kapansanan--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• kung ang A at B ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• bilang tagatustos ng gawain sa A at B--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• bilang protektor ng A at B--Pagkabilanggo mula 12 hanggang 20 taon at multang mula P100,000 hanggang P500,000
3. Pagpapanatili ng mga kuta (den),
sugalan (dive), o pahingahan
(resort)
A. kung saan ang mga ilegal na droga ay ipinagbibili--Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multang mula P500,000 hanggang P10,000,000
B. kung saan ang mga pinagkuhanan at kailangang kemikal ay ginagamit o ipinagbibili—Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100, 000 hanggang P500,000.
• kung ang biktima ng A at B ay mga menor de edad--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• kung ang gamit ng A at B sa mga kuta, sugalan, at pahingahan ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima--Kamatayan at multang P1,000,000 hanggang P15,000,000
• kung iba ang may-ari (third party) ng kuta, sugalan, o pahingahan--Pagkumpiska ng pamahalaan ng mga kagamitan at ari-arian
• bilang tagatustos ng gawain sa A at B--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
• bilang protektor ng gawain A at B--Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
4. Mga kawani at bisita sa kuta, sugalan, o pahingahan na batid ang aktibidad dito—Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000.
5. Paggawa o pagbuo
A. ng ilegal na droga--Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multang P500,000 hanggang P10,000,000
B. ng pinagkukunan at kailangang Kemikal--Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
• ang pagkakaroon ng mga pinagkukunan at kailangang kemikal at kasangkapan sa isang laboratoryo ay isa nang matibay na ebidensiya na gumagawa rito ng mga ilegal na droga.
Mga kondisyong nagdidiin: Kung ang proseso ng paggawa ay:
• sa harap ng mga menor de edad
• isinasagawa sa lugar na 100 metro lang ang layo mula sa tirahan, lugar ng negosyo, simbahan, o paaralan
• kung protektado ang laboratoryo ng isang patibong
• kung itinatago ang laboratoryo sa pamamagitan ng isang lehitimong negosyo
• kung ang pag-empleo ng isang chemical engineer, opisyal ng pamahalaan, o dayuhan ay:
•bilang tagatustos sa paggawa ng ilegal na droga o ng pinagkukunan at kailangang kemikal--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
•bilang protektor ng gumagawa ng ilegal na droga at pinagkukunan o kailangang kemikal--Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
6. Ilegal na paggamit sa mga pinagkukunan at kailangang kemikal--Pagkabilanggo nang 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
7. Paggagawa o pagdadala ng mga kasangkapan, instrumento, aparato, at iba pang kagamitan
para sa ilegal na droga at pinagkukunan at mga kailangang kemikal--Pagkabilanggo nang mula 12 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P500,000
• kung ang nasabing paggawa o pagdadala ng mga kasangkapan, instrumento, aparato o anumang kagamitan ay para mag-iniksyon, o humithit, o magpasok ng illegal o ipinagbabawal na gamot sa katawan ng tao--Pagkabilanggo nang mula anim na buwan hanggang apat na taon at multang P10,000 hanggang P50,000
• paggamit ng mga menor de edad o may kapansanan upang magdala ng mga kasangkapan, instrumento, aparato, at iba pang kagamitan.-- Pagkabilanggo ng 20 taon at multang P500,000
8. Pag-iingat ng ilegal o ipinagbabawal na gamut--Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multang P500,000 hanggang P10,000,000
A. 10 gramo o higit pang opyum
10 gramo o higit pang morpina
10 gramo o higit pang heroin
10 gramo o higit pang cocaine o cocaine hydrochloride
50 gramo o higit pang methamphetaminehydrochloride o shabu
10 gramo o higit pang marijuana resin o marijuana resin oil
500 gramo o higit pang marijuana
10 gramo o higit pang methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o ecstacy, paramethoxyamphetamine
(PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), lysergic acid diethylamine (LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), at iba pang katulad na gamot at ang kanilang mga derivative
B. 10 gramo o higit pa ngunit di hihigit sa 50 gramong shabu--Habambuhay na pagkabilanggo at multa mula P400,000 hanggang P500,000
C. 5 gramo o higit pa ngunit di hihigit sa 10 gramo ng:
Opium, Morpina, Heroin, cocaine o cocaine lydrochloride,
marijuana resin o marijuana, resin oil, shabu, iba pang ipinagbabawal na, gamot –
ecstasy, PMA, TMA,,
LSD, GHB o 300 gramo o higit pa ngunit di hihigit sa 500 gramong marijuana--20 taong pagkabilanggo at multa mula P400,000 hanggang P500,000
D. Di hihigit sa 5 gramo ng:
Opium,morpina, Heroin, cocaine o cocaine hydrochloride, marijuana resin o marijuana resin oil, shabu, iba pang ipinagbabawal na gamot -- ecstasy, PMA, TMA, LSD, GHB; o di hihigit sa 300 gramong marijuana--12 hanggang 20 taong pagkabilanggo at multa mula P300,000 hanggang P400,000
9. Pag-aari ng kasangkapan, instrumento, aparato, at iba pang kagamitan para sa ilegal na droga
• Ang nasabing pag-aari ay prima facie na ebidensya na gumamit ng ipinagbabawal na
gamot ang suspek na labag sa Section 15 ng batas na ito patungkol sa Paggamit ng Gamot.--6 na buwan hanggang 4 na taong pagkabilanggo at multa mula P10,000 hanggang P50,000
10.Pag-aari ng ipinagbibawal na gamot sa mga handaan at pagtitipon--Pinakamabigat na parusang kamatayan at multang P10,000,000
11. Pag-aari ng kasangkapan, instrumento, aparato at iba pang kagamitan para sa ilegal na droga sa mga handaan at pagtitipon--4 na taong pagkabilanggo at multang P50,000
12. Paggamit ng ipinagbabawal na Gamot
• Unang paglabag, matapos ang confirmatory test--Pinakamababa ang 6 na buwang rehabilitasyon sa isang rehab ng gobyerno
• Ikalawang paglabag--6 hanggang 12 taong pagkabilanggo at multa mula P50,0000 hanggang P200,000
13. Pagtatanim o pag-aalaga ng halamang idineklarang illegal na droga o pinagmumulan nito--Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multa mula P500,000 hanggang P10,000,000--
*Ang lupang pinagtamnan ay kukumpiskahin pabor sa gobyerno
• Bilang tagatustos ng nasabing Taniman--Habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan at multa mula P500,000 hanggang P10,000,000
• Bilang protektor ng nasabing Taniman--12 hanggang 20 taong pagkabilanggo at multang mula P100,000 hanggang P500,000
Ano ang mangyayari sa sinumang mapatunayang positibo sa iligal na droga?
Hahatulan din sila ng mga parusang nakasaad sa Section 15 ng batas sa Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot, kung saan ang lumabag ay sasailalim sa pinakamababang 6 na buwang rehabilitasyon sa isang rehab ng gobyerno para sa unang paglabag, at makukulong naman mula 6 hanggang 12 taon at mumultahan pa mula P50,000 hanggang P200,000 para sa ikalawang paglabag.
Ano ang isinasaad ng RA 9165 ukol sa sagutin ng mga maganak, mag-aaral, guro, at opisyal ng paaralan sa pagpapatupad ng mga bagong batas laban sa iligal na droga?
A. ANG MAG-ANAK, bilang batayan ng lipunang Pilipino, ang may unang sagutin sa pagtuturo at pagmumulat ng kaisipan ng mga miyembro ng pamilya tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga, pati na rin sa pagmamanman ng mga kamag-anak na madaling maimpluwensiyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
B. LAHAT NG STUDENT COUNCIL AT KAPULUNGANG PAMPAARALAN
sa elementarya, high school, at kolehiyo ay dapat gumawa ng programa para sa pagpigil at paghadlang sa paggamit ng bawal na gamot, pati na rin sa pagtukoy sa mga mag-aaral na nararapat na sumailalim sa rehabilitasyon.
C. DAPAT NA SAKLAWIN NG LAHAT NG KURIKULUM
Sa elementarya, high school at kolehiyo, pampubliko at pribadong paaralan man, ang pagtuturo tungkol sa pag-iwas, paghadlang o pagpigil sa pang-aabuso ng ipinagbabawal na gamot. Kabilang sa mga dapat ituro ang mga sumusunod:
1. Ang masasamang epekto ng paggamit at pang-aabuso ng illegal na droga sa tao, pamilya, paaralan at pamayanan;
2. Mga paraan ng pag-iwas sa paggamit at pang-aabuso ng illegal na droga;
3. Mga problemang pangkalusugan, panlipunan, sikolohikal, legal at pang-ekonomiya na konektado sa ilegal na droga;
4. Mga nararapat na hakbang upang tulungan ang isang drug dependent, pati na rin ang mga serbisyong makukuha sa paggagamot at rehabilitasyon ng drug dependent; at
5. Ang mga maling akala tungkol sa paggamit ng ilegal na droga, tulad ng kahalagahan at kaligtasan ng ilang mga ipinagbabawal na gamot sa panggagamot ng mga sakit at karamdaman, at ang pagkakaiba ng mga totoong pasyente sa drug dependent, upang maiwasan ang pagkalito at pagmamantsa sa isipan ng mga magaaral.
D. LAHAT NG MGA NAMAMAHALA AT GURO NG MGA PAARALAN
ay may kapangyarihang manghuli o mang-aresto at magpaaresto sa sinumang lumalabag sa nasabing batas. Nasa mga kamay nila ang kapangyarihang ito kung sila’y nasa kanilang paaralan o sa paligid nito, o kahit lagpas sa paligid nito kung may opisyal na tungkulin naman sila sa isang pagtitipon o gawaing may kinalaman pa rin sa paaralan.
Sinasaklaw din ba ng RA 9165 ang mga out-of-school youth?
Oo. Sa tulong ng Dangerous Drugs Board, magtatayo sa kani-kanilang tanggapang panlalawigan ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), ang National Youth Commission, at ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ng special education center para sa
mga out-of-school youth at batang-kalye.
Sino ang mga nagpasimuno sa Comprehensive Dangerous Drugs Bill bago ito naisabatas?
Ang mga nagpasimuno sa Comprehensive Dangerous Drugs Bill ay sina Senador Robert Z. Barbers at Kinatawan Juan Miguel F. Zubiri ng ikatlong distrito ng Bukidnon.
3 comments:
uala naman ung sagot sa tanung qu ee' no use din !
ano epekto nito sa ekonomiya ng pilpinas?
Ang bayaw ko ay gumagamit ng ipinagbabawal na droga (SHABU)at dati din sya nagbebenta nito. Ano ang pwede ko gawin para maibalik sya sa kulungan? Anong ibidensya ang kailangan ko para mapatunayan ko na gumagamit sya ng droga, sapat na ba ang drug test? Salamat sa sinumang sasagot sa tanong ko, eto #09232095057 para sa inyong sagot. MARAMING SALAMAT PO!
Post a Comment