ANO ANG TALUMPATI?
TALUMPATI - sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o makahikayat ng mga nakikinig.
- Isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita.
- Isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handing makinig.
- Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tunkol sa isang mahalagang paksa .
MGA URI NG TALUMPATI
URI NG TALUMPATI
1. Pampalibang
2. Pagtatalaga
3. Pagmumungkahi - panghalalan
4. Pagpapakilala – magkaroon ng mabuting relasyon ang taong ipinakikilala at tagapakinig
5. Pagbati - iabot sa panauhin ang pagbati at pakikipagkaibigan
6. Pamamaalam – iabot sa lilisan ang paggalang
7. Pagkakaloob / Paghahandog - kung may regalo, parangal, katibayan
8. Pagtanggap – binigyan ng regalo o parangal
9. Anibersaryo
URI NG TALUMPATI ( ayon sa paghahanda )
1. Daglian / Biglaan - ( Impromptu ) – walang paghahanda
2. Manuskrit – kumbensiyon, seminar at programa sa pananaliksik
3. Isinaulong Talumpati – (Memorized ) – walang binabasa
4. Di – Inihanda - ( Extemporaneous ) - maiplano nang mas maaga ( 5 minuto )
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA
-nagbibigay ng oportunidad sa taong mahusay magsalita
-mga katangian ng mahusay magsalita:
a.maayos na anyo
b.matatag at malalim na kaisipan
c.sapat na kaalaman sa wika
d.magandang tinig at pagbigkas
e.napapanatili ang interes ng nakikinig
KASANGKAPAN SA EPEKTIBONG PAGSASALITA
1. Tindig – maayos at kagalang-galang, makikita ang katatagan ng damdamin at tiwala sa sarili
2. Galaw
a) kailangang natural at maluwag ang galaw
b) ipakitang may tiwala sa sarili
c) tingnan ang madla bago magsalita
d) huwag tuluy-tuloy ang pagsasalita
3. Mukha – damdamin nais na ipahayag
4. Tinig
a. Iwasan ang nakabaluktot na pagtayo , nagpipinid ito sa lalamunan.
b. Iwasan ang maling paghinga nang malalim at mawasto ang pagpaplabas ng hangin.
c. Ang labis na mababang tono na di nagbibigay- lakas sa tinig ay dapat iwasan.
d. Ang pagiging mahinahon ay dapat makamtan.
e. Gamitin nang wasto ang isang malakas na dayapram sa pagsasalita.
5. Kumpas – magbigay-diin sa pinapahayag na kaisipan
a. palad na palahad –pagsang-ayon
b. palad na nakataas habang palahad –dakilang damdamin
c. palad na nakabukas at marahang ibinababa – mababang uri ng kaisipan o damdamin
d. pasuntok – paglaban
e. nakataob na biglang binababa – galit
f. nakakuyom –poot o matinding damdamin
g. palad na nakabukas na nakaharap sa madla –pagtanggi
h. dalawang kamay na marahang binababa – pagkabigo
i. paturo – panghahamak, pagkagalit o pagtuturo
j. dalawang nakabukas na bisig na halos pantay balikat – kalawakan
k. palad na nakabukas, daliri ay nagkakalayo at unti-unting ititikom – pagtitimpi
DAPAT NA TANDAAN SA MABISANG PAGTATALUMPATI
1. kaalaman sa paksa – sa pamamagitan ng pagmamasid o pagbabasa
2. malawak na talasalitaan – angkop na talasalitaan sa nakikinig o mambabasa.
3. matatag na damdamin – katangian :
· maayos tumayo
· matuwid kung tumingin sa nakikinig
· buo at katamtamang lakas ng tinig
· maliksi ang pag-iisip
· maayos ang pagkakaugnay ng sinsabi
4. kasanayan – pumili ng madaling talakayin, pag-aralan ang paksa, kasanayan sa wastong pagsasalita.
PAGHAHANDA NG TALUMPATI
1. pagpili ng paksa
- pagsusuri sa mananalumpati sa kanyang sarili kung anong paksa ang saklaw ng kaalaman at karanasan
2. pagtitipon ng materyales para sa talumpati
- mga impormasyong gagamitin sa pagsusulat ng talumpati
3. pagbabalangkas ng ideya para sa katwan ng tal\umpati
4. paglinang ng mga kasipan o ideya sa balangkas
PANUTO SA PAGPILI NG PAKSA
1. Piliin ang paksang kawili-wili sa tagapakinig
2. Piliin ang paksang kawili-wili sa iyo.
3. Pakitirin o bigyang hanggahan ang iyong paksa.
PAMANTAYAN SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI
1. tinig at himig
2. pagbigkas
3. tikas-pantanghalan
4. panuunan ng paningin
5. unawain ang layunin
6. kaugnayan ng mambibigkas sa mga nanonood
7. pagkumpas
a. malumanay at natural
b. puno ng buhay at hindi matamlay
c. tiyak at hindi alanganin
d. nasa panahon
BAHAGI NG TALUMPATI
1. panimula / pambungad – paghahanda sa kaisipan nila, pag-akit o pagkawili
2. katawan - katangian - kawastuan, kalinawan at pang-akit
a) paglalahad ng paksa
b) pagpapaliwanag
c) paninindigan - pagpapatunay
3. pamimitawan / pangwakas - nag-iiwan ng isang marikit at maindayog na pangungusap na maikikintal sa kanilang isipan.
11 comments:
Very informative. Thanks!
right !!! :)
tnx!!
anu-ano ang mga pamantayan sa pagsusulat ng talumpati?
maganda po ung mga information nyu po dto,,,thanks
hai salamuch
wala ba itong mga halimbawa?
ang sabi ko halimbawa bat wala
meron po bang umpisa ng talumpati parang introduction po sya??? i need it po kasi ee.
ung pagbati sa uri ng tagapakinig kelngan ko ho kasi.
anu ang katangian ng isang talumpati?
Post a Comment