Sunday, November 21, 2010

DEKADA '70 Ni: Lualhati Bautista


Intoroduksyon
Kakayahan ng may akda sa pagsulat ng aklat

a. Talambuhay ng may akda

Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na
babaeng nobelista sa kasaysayan ng kontemporaryong panitikan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nobela niya ang Dekada '70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?,
at GapĂ´. Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista
ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng
pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya
ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni
Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga
mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na
Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula
sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang
sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man
ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula,
nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-
best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star
Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best
screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga
maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa
Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang
gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang,
pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang-
telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng
Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling
na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media
Awards. Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women's Writings
(Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10,
2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng
mga Kababaihan sa Katutubong Wika.
b. Iba pang aklat na isinulat ng may akda.
Gapo ( 1980); Bata, bata, Pa'no ka Ginawa ( 1984);
Sakada ( 1976 ); Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ( 1982 );
Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang ( 1983 ); Bulaklak sa City Jail
( 1984 );Kung Mahawi man ang Ulap ( 1983 ); Sex Object ( 1985 ); Daga sa
Timba ng Tubig ( 1975 ); Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo
( 1987 ).
c. Batayan ng pagsulat ng aklat
Maraming mga nagging batayan si Lualhati Bauista
sa pagsulat niya sa akdang "DEKADA '70". Unang -una na rito ay ang mga
karanasan niya bilang isang manunulat at Pilipino sa ilalim ng Martial Law ng
mga panahong iyon. Naisip niyang , maaring ang paglathala ng akda ang
maging hudyat ng muling pagkabuhay at maalab na pag-usbong muli ng
malayang pamamahayag sa pamamagitan ng panulat. Kahit na marami ang
umuligsa sa may pagka- radikal na paraan at nilalaman ng akda ay nagging
susi naman ito sa pagkabuhay ng kamalayan ng bawat Pilipino ukol sa unay
na estado ng bansa at ng mga mamayan nito noong mga panahong iyon.

Buod
a. Paksa ng aklat

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni
Lualhati Bautista.[1] Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong
dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-
anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang
mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon
laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga
pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang
pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas
Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong
pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa
paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na
si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa
dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang
nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at
buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni
Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang
Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng
mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na
nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng
mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga
Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag-
anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung
paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik
ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.

b. Layunin ng aklat
Ang tunay na layunin ng aklat ay maimulat at buksan ang
kamalayan ng bawat Pilipino sa tunay na sitwasyon ng bawat isa
maging ng bansa noong DEKADA '70 o panahon ng Martial law. Nais ni
Bautista na maliwanagan ang isip ng bawat isa ukol sa mga totoong
pangyayari noong panahon iyon. Ninanais din ni Bautista na ipakita sa
mga kapwa niya manunulat na hindi sila dapat matakot na ilabas a
ilahathala ang kanilang mga aklat kahit na ano pa man ang mangyari.
Ninanais ni Bautista na sa pamamagitan ng kanyang akda ay muling
maibalik ang klayaan sa paglalathala ng mga tunay na kahang-
hangang akda.
Pagtataya
a. Anu-ano ang mga problema / suliranin ang dapat lutasin ng
mga tauhan?
Puno ng suliranin ang akda, unang-
una na rito ang pagsapi ni Jules sa rebeldeng kumakalaban sa
pamahalaan at pag-iwan niya sa kanyang pamilya upang sundin ang
kanyang mga paniniwala. Ikalawa ay ang di pagkakaunawaan sa buhay
mag-asawa ni Amanda at Julian. Ikatlo ay ang pagkamatay ni Jason at
ang huli ay kung paano muling mabubuo ang pamilya Bartolome
matapos ang lahat ng mga naganap na dagok sa kanilang buhay.
b. Anong ginawa ng tauhan para malutas ang problema?
Kahit labag sa kalooban ay pinilit
tanggapin ng pamilya ni Jules ang katoohanan a kung ano man ang
nagging desisyon nito, kahit napalayo ito sa kanila ay pilit nila itong
inintindi a sinuportahan kahit alam nilang ang pamahalaan ang
kinakalaban nito. Pilit ding inintindi ni Amanda at Julian ang isa't isa
upang huwag ng lumala ang sitwasyon at upang mapantiling buo at
matatag ang pamilya sa kabila ng pagpanaw ni Jason.
c. Paano nalutas ang problema?
Dahil sa pagiging bukas at malawak na
kaisipan ng bawat myembro ng pamilya ay nagkaroon ng malalim na
pagkakaunawaan ang bawat isa. Nagging matatag ang bawat isa sa
pagharap sa mga suliranin kaya't nagging matiwasay ang lahat at
nabigyan ng solusyon ang bawat suliranin.
d. Ano ang nagging katapusan ng kuwento?
Nawala na nga ang Martial Law, wala na rin
si Jason. Wala ngmagagawa ang pamilya Bartolome kung hindi
tanggapin ang lahat. May kanya-kanyan ng buhay si Gani at Jules kahit
pa patuloy pa ring nagtatago si Jules sa paningin ng pamahalaan.
Samantalang si Amanda a Julian gayundin sina Em at Bingo ay tahimik
ng namumuhay at walang pangamba sapagkat alam nilang ligtas si
Jules kung nasaaan man ito, at natitiyak din nilang mapayapa na si
Jason sa kinaroroonan nito ngayon.
e. Anong Teoryang Pampanitikan ang kuwento? Bakit?
Ito ay magkahalong Eksistensyalismo
at Realismo sapagka ang mga tauhan ay patuloy na naghahanap ng kalayaan sa kabila ng magulong sitwasyon ng lipunang kanilang
gingalawan na tunay ngang nangyayari sa kasalukuyan.

Konklusyon
a. Nagustuhan mo ba ang aklat? Ipaliwanag ang sagot.
Opo, nagustuhan ko ang
akalat,
sapagkat maraming aral kang makukuha kapag binasa mo ito.
Binubuksan nito ang isipan ng bawat isa sa mga tunay na kaganapan
sa paligid at nagpapakita rin ito ng tunay na katatagan.
b. May napulot ka bang aral sa aklat na binasa?
Opo, maraming aral ang nakapaloob sa
aklat, maraming mga bagay kang matututunan , unang-una na ang
pagiging matatag.

Paglalarawan:
Iguhit o idrowing sa bakanteng typewriting ang sumusunod:
a. Pinakanaibiganmong pangyayari sa kwento
b. Pinakaayaw mong pangyayari sa kwento

39 comments:

Anonymous said...

maganda ang background pero masakit sa mata kapag binabasa ang mga text. mas maganda kung lakihan ang font size ng mga text para hindi mahihirapan ang mga mambabasa magbasa ng mga text.

john enrico comia on November 26, 2010 at 10:58 PM said...

ahh Gnun ba,. D Nman Kc ako WEB DeSigner,. ok NmAN YUnG FoNt Size Nia StaNDard nman Ahh,. ,.11font Size nian Pati Arial,. yuNg Iba Nga ,. 10 Lng Ee,. CgUro Sa Color nLng Dn ng Font Kya masAkit Sa mata :D

Anonymous said...

uhm.. tama nga siya.. kasi medyo maliit talaga e.. mahihirapan ung mga may grado sa mata. tapos ung kulay ng background.

john enrico comia on November 30, 2010 at 7:01 AM said...

ahh gnun ba ok naman ung kulay ng background ahh,.
maliit ba meon sa baba ung pangenlarged at pampaliit ng font click niu lng,
or pde rin Ctrt+mouse scroll pra lumaki or lumiit,.

Anonymous said...

thanks ng marami.
:D

Anonymous said...

Sobrang Galing nyo poo. Tnx ng marami

john enrico comia on January 17, 2011 at 9:09 AM said...

WLang anuman,,
^^ TNX dn

Anonymous said...

--* ganda nman...daming info... suggest lang sana bawat kabanata binuod din...

Anonymous said...

maganda ang kuwentong ito dahil napakaraming aral ang makukuha dito.

Anonymous said...

mganda nga.mram din aq npulot d2.:)

Anonymous said...

meron po ba d2 na summary every chapter ng dekada 70 ? pls . kailangan na kailangan q lang po e

Anonymous said...

ang ganda ng blog... nakakatuwa yung background music and the rest.. di nakakasawang tingnan.. tnx for the info...=)

Anonymous said...

oi, thanks a lot ah XD
btw, can u post the whole story?

Anonymous said...

ang panget

Anonymous said...

"immaturity comes when someone continuously denies his mistakes"

amy_kenn on September 14, 2011 at 5:32 AM said...

thanks...it's a big help to my assignment...!!!

Anonymous said...

ahm

Anonymous said...

tnx

Anonymous said...

ay salamat talaga..!
hindi ko na kailangan lamayan tong' book report ko ^_^...

Anonymous said...

thanks!thanks!!thanks!!!

Anonymous said...

said
ganda

Anonymous said...

THANKS.. it helps me alot

lee kim said...

wala poh bang mag natatanging pahayag..?
or mga tauhan...?
it doesn't help me...
in a lot...
napaka arte kase ng teacher nmin eh... ang daming eche eche...

Anonymous said...

...uala vah nua iba....?
mei klagan pa koh...\
kulang pa project ko...
nkktmad kcing bsahin ee,,

Anonymous said...

suggest ko din sana nilagay din yung mga tagpuan para hindi na mahirapan yung mga estudyante sa paghahanap ng iba katulad na lang ng kaisipan at iba

Anonymous said...

maganda malaki talaga ang naitulong nya sa akin!!!!!!!! thank you so much!!!!!!

Anonymous said...

Thanks man! Dming tulong nito :)

Anonymous said...

salamat po :)

Anonymous said...

tamah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ka diyan.........

Anonymous said...

heheh cool!!

Anonymous said...

maraming salamat pO malaki talaga ang naitulong nya sa akin. . thank yOu sO mUch pOw talaga. . .

Anonymous said...

hello po... uhmm... nais ko po sanang malaman kung mayroon kayong alam na site na may buod ng bawat kabanata o kung mayroon man kayong buod ng bawat kabanata ng nobelang ito? kung mayroon po... maaari po bang masabi sa akin... makakatulong po kayo ng marami... salamat po... :D at nagustuhan ko pala ang nobelang ito... :D

Unknown on January 15, 2013 at 4:55 AM said...

Yow..pwede naman i-zoom eh..

( ctrl+ roll )

Unknown on January 15, 2013 at 4:58 AM said...

sakin hinde...

:((


kailangan ko kc ng kompletong copy

Anonymous said...

ang ganda ng mouse!!!
YOSHIMITZU!!

Anonymous said...

tamahhhhh.....

Anonymous said...

Hirap basahin nung libro ang liit. Hehehe

Unknown on October 10, 2018 at 12:51 PM said...

Ako dn I need a complete copy too

Unknown on March 7, 2021 at 5:17 PM said...

thank you somuch for this,yung iba imbes magpasalamat dami pang reklamo kung maliit yung font gawa kayong paraan e zoom in niyo po.

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved