Tuesday, November 23, 2010

Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo


I. PAMAGAT

Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo


II. MAY AKDA

Ricardo Lee


III. SANGUNIAN

Lipi

IV. URI NG PANITIKAN

Maikling Kwento


V. TAUHAN

Emmanuel Lazo o Manny- Ang nanguna sa Protesta.

Mang Delyo- Tatay ni Manny.

Kuya Edel- Ang nakakatandang kapatid ni manny sa pangalawang Asawa.

Amor- Kaklase ni manny.

Danilo o Danjun- Ang lumigtas kay Manny Kahit hindi nya kaano-ano ito.


VI. TAGPUAN

Nueve Vizcaya- Dito nakatira ang mga kasama ni manny at pati na Rin siya.

Monumento- Dito nila nahabol ang rally

Agrifina Circle- Dito sila nagpahinga upang mag-ipon ng lakas para

Bukas.

Kanto ng Taft at Ayala- Dito nagsimula ang malagim na pangyayari.

PHG(Philippine General Hospital)- Dito dinala si manny ngunit patay

Na, at ditto limang araw nakipaglaban upang mabuhay bago namatay

Ni danjun.

UP Chapel- ditto unang ibinurol si manny at dito siya nadatnan ng Ng kanyang ama.

Malate Church- Dito inilipat ang bangkay ni manny.

Baliwag Church- Dito nagtagpo ang dalawang bangkay ng mga

Estudyante na namatay sa rally.


VII. TUNGGALIAN

Sa rally ang pinaka mahirap na tunggalian laban sa mga nakaupo sa Pamahalaan.


VIII. BUOD

Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo

Ang disisyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds.hindi para kay emmanuel lazo. Sa gulang na disisyete ay nakaburol na siya sa malate church, nang mamaga ang noo dahil ang balang pumasok sa ulo ay di na nakalabas, putok ang labing nasubsob sa kalsada, duguan ang knapsack. kagaya siya ng karaniwang bangkay na pina-pangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya'y dobleng pinapangit ang pangyayaring ang pumatay sa kanya'y maaaring di na matagpuan kailanman. siya ang pinakahuling biktima sa mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally. Ang rally na sinalihan ni emmanuel lazo o manny, ay ang pinakamahabang martsa ng magsasaka't kapanalig noong oktubre 17-20. galing sa pamilya ng mga magsasaka si manny. ngayo'y namatay siya para sa mga magsasaka.

Si manny ay tahimik na tao,elematarya pa lamang ay kinakantyawan nang bakla dahil hindi ito lumalaban. Di nagtagal ay unti-unting nakaamoy ng pagbabago si mang delyo sa anak. Noong mga bata pa ay nag-uuling ang mga magkakapatid. sa highscool ay lalong nahasa sa pakikitungo sa kapwa si manny, mahilig siyang makipagdebate at gustong gusto matuto. Pero nung grumadwyt sa highscool ay kinapos sila sa pera. Isinanla ni mang delyo ang kaisa-isa nilang lupa upang ipantustos sa pag-aarl ni manny dahil gusto niya talagang makatapos. tigil namn sa pag-aarl ang kapatid niya si elmer upang pumunta ng saudi, dahil dito isinanla ni mang delya ang kanilang pastulan.

nagpunta si mang delyo sa dorm ni manny, nang pauwi na sila itinuro ni manny ang amga drowing at nakasulat sa pader na pagbatikos sa gobernador.Matagal nang sumama ni manny o rambo (ang tawag kay manny nina amor at ng mga ka-dorm niya dahil maitim siya ang mahilig sa body building) sa rally at sa wakas ay natupad na.may 29 silang bumiyahe, puro galing nueva ecja, ang ilang miyambro AKDA.ang dala ni manny sa knapsack niya ay good for one night dahil di niya inaasahan na matagal sila sa maynila. Gusto ni manny makapag uwi ng shield ng riot police bilang souvenir.Kinagabihan matapos ang maghapong martsa'y sa ageifina circle sila nagpahinga upang mag ipon ng lakas para sa martsa kinabukasan. Hindi makatulog si manny at biniro niya si amor. kinaumagahan ay giniginaw si manny maski di naman maginaw. nagpapraktis ng kakantahin nila sa rally. Ang kanilang kinakanta ay ang alerta katipunan ang paboritong kanta ni manny. Tungkol ito sapagpapakasakit para sa bayan maski buhay handang ialay.

Nasa kanto ng taft at ayala ang mga nagra-rally nang pasukin sila ng mobile cars. Napunit ang mga streamers tumalsik ang mga bato’t at sumangin ang mga bala, at ang isang pulis ay nakasumbrerong magsasaka at nagpapaputok. Si manny ay sumigaw ng nueva ecija , mga nueva ecija, h’wag kayong maghihiwalay ngunit siya pala ang mapapahiwalay. Ayon sa mga pinagtagni-tagning kwento’y napatakbo si manny sa unahan nang nagkagulo. Isang bal ang tumagos sa ulo niya at siya’y bumagsak. Isang estudyante ang patakbong dumalo upang ilayo si manny sa crossfire, si danjun; hindi sila magkakilala at hindi na magkakakilala pa. tinamaan din ng bala si danjun. Inihamba ng mga estudyante ang katawan nila sa kalsada upang maisakay sina manny at danjun at tumigil ang sasakyan ng DZRH. Ito ang naghatid sa dalawa sa ospital. Bandang ala una’y nabalitaan nilang may isang unidentified body sa paghatid sa dalawa sa ospital. banding ala una’y nabalitaan nila na may dalawang unidentified sa PGH. Nagpapunta sila ng kasamahan. Nang matiyak nilang si manny nga ang namatay gininaw sila at nagyakapan. Samantala limang araw naming nakipaglaban si danjun upang mabuhay bago mamatay.

Walang kamalay-malay si elmer sa mga pangyayari. Paalis siya kinabukasan papuntang Saudi. Hindi ito alam ni manny dahil gusto ni elmer na sorpresahin siya. Pasado alas onse nabaril si manny. Banding alas dose doon sa eksaktong lugar ay napadaan si elmer,umuwi siya sa bahay wala paring nalalaman. Kinaumagahan habang mag-eempake siya ay narinig niya sa radio si doy laurel, binabatikos ang administrasyon, binggit na may estudyante na naming napatay, emmanuel lazo. Natatakot man umaasa siya na kapangalan lang ng kapatid niya ang nasa balita. Nagpunta siya ng crame, doon ay nakibasa siya ng diyaryo at natiyak niya na ang kapatid niya ang napaslang. Nang narrating na niya ang burol ay pinabuksan niya ang kaong ng kapatid niya nga ang napaslang. Nabalitaan naman ni mang delyo ang lahat sa pamamagitan ni tata kandong. Nangako si tata kandong ng tulong kaya nakahiram siya kay vangie na may dalng pera. Alas tres ng madaling araw ng makarating siya sa maynila. Nagpatulong siya upang tawagan si mrs. Silapn at nakausap niya ito. Tinulungan si mang delyo ni mrs. Silipan upang mahanap ang labi ng kanyang anak. Nagulat si mang delyo dahil napakaraming tao sa burol ng kanyang anak .lumapit si mang delyo sa bangkay ng anak at ibabaw ng kabaong ay may nakasulat

Sa bawat pagsubok ng araw ay may pagpanaw

Isang pagaalsang di mo natatanaw

Sa muling pagsikat nito’y kumikilos ka

Taglay mo ang isang bagong pag-asa.

MABUHAY, KA MANNY!

Lalong bumaha ang tao nang ilipat ang bangkay ni manny sa malate church.

May mga dumating na mga estudyante nagbiyahe pa mula central Luzon. Nilapitan siya ng mga tao at kinamayan matapos ang minsang-parangal. Nang pumunta si mang delyo sa harapan ay nagtayuan ang lahat bilang pagpupugay at binigyan siya ng plake na kauna-unahang nagtanggap niya. Sa pangyayari ito nagising si mang delyo at bigla niyang naunwaan ang lahat. Bukas ay uuwi na sila sa cagayan valley.kinaumagahan ay dumaan sila sa western police district bilang funerasl march at kanhapunan ay dumating sila sa baliwag. Sa isang seremonya ay magsasalubong ang dalawang bangkay, dalawang kabataan sa isang napakaikling panahon ay pinagsama ng kapalaran at simulain, nagkatulungan kahit hindi magkakilala. Pagkatapos ay pinagsama ng naghiwaly uli ang dalawang bangkay upang tuluyan nang umuwi si manny sa nueva ecija.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved