1. Pagkilala Sa May Akda
– Ito
ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may akda kundi sa mga
bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.
Si Reynald ay isang nobelista na kinilala dahil sa kanyang
walang takot na pag tuligsa sa mga maling Gawain ng mga Pilipino.
2. Uri Ng Panitikan
- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o
damdaming taglay nito.
Ito’y itinuturing
bilang isang sanaysay o komento sa isang paksa.
3. Layunin Ng Akda
– Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin
ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.
Siya ay naglalayon na mabigyan ng impormasyon ang kanyang maaring mambabasa at bigyan sila ng angkop na aral na dapat nilang matutunan.
Siya ay naglalayon na mabigyan ng impormasyon ang kanyang maaring mambabasa at bigyan sila ng angkop na aral na dapat nilang matutunan.
4. Tema O Paksa Ng Akda
- Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at
mag-aangat o tutugon sa sensirilidad ng mambabasa?
Umikot ang sanaysay sa temang “ang kasinungalingang natuunan ng
bata ay maisasalin sa susunod na henerasyon”.
5. Mga Tauhan/Karakter Sa Akda
– Ang karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang
ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong
nilikha, nagwasak, nabuhay o namatay.
Ang tauhan ng Sanaysay ay ang lahat ng nagbibigay ng maling impormasyon o aral sa kanilang mga anak o nakababatang kapatid.
Ang tauhan ng Sanaysay ay ang lahat ng nagbibigay ng maling impormasyon o aral sa kanilang mga anak o nakababatang kapatid.
6. Tagpuan/Panahon
– Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan,
kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o
katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at lipunan.
Ang tagpuan ay kahit saang sulok ng ating bansa, habang ang panahon ay maaring mangyari sa kahit anumang oras o panahon.
Ang tagpuan ay kahit saang sulok ng ating bansa, habang ang panahon ay maaring mangyari sa kahit anumang oras o panahon.
7. Nilalaman/Balangkas Ng Mga Pangyayari
– Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May
kakaiba ba sa nilalamang taglay. Dati o luma na ba ang mga pangyayaring. May
bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May
kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? May
natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
Una ay kanyang tinuligsa ang mga kasinungalingan sa oras na tayo’y may sakit, Sinundan naman ito ng pagpapalawak sa maling paniniwala na maari nating makuha sa panood ng telebisyon at sa huli ay kanyang ibinigay ang aral na dapat matutunan ng mambabasa.

8. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay Ng Akda
– Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag
sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin,
pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga makatotohang unibersal, likas sa
tao at lipunan, mga batas sa kaikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang
kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang nga kaisipang ginamit na
batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
Naging sentro ng Ideya ng may akda ang kanyang nassaksihan at nakikita sa kanyang paligid at kanyang ginamit ito upang mabigyang linaw ang kanyang opinion sa kanyang paksa.
Naging sentro ng Ideya ng may akda ang kanyang nassaksihan at nakikita sa kanyang paligid at kanyang ginamit ito upang mabigyang linaw ang kanyang opinion sa kanyang paksa.
9. Istilo Ng Pagkakasulat Ng Akda
– Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop
ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba
kaya ang istilo nng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang
pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa
at sa katangian ng isang mahusay na akda?
Naging napaka epiktibo ang estilo ng may akda, dahil sa siksik na ebidensya sa sanaysay at tama at kapanipaniwlang suhestiyon ay maaari niyang pagalawin at baguhin ang mga maling gawi na kanyang tinutukoy sa kanyang likha.

10. Buod
– Hindi kailangang
ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahalagang detalye ang
bigyang tuon.
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. Sa ating panonood ng telebisyon nakakukuha tayo ng maling impormasyon at interpretasyon sa buhay. Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan
Ang pagsulat ng isang panunnuri ay nangangailangan ng sapat na kaalaman, kahandaan at kakayanan sa panig ng panunuri. Kailangang makita ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang pagiging obhitibo sa panunuri ay kailangang isaalang-alang.

Credits To: John Carlo C. Diloy
Subscribe in a reader
0 comments:
Post a Comment