A. PAGPAPASALAMAT
Ang pamanahong papel na ito ay hindi ko magagawa at matatapos kung hindi dahil sa gabay at tulong ng mga ss.
· Sa gabay ng poong may kapal sa lahat ng oras
· Sa mga magulang ko na nagbigay ng pera para magawa ko ang proyektong ito at sa mga gabay nila
· Kay Gng. Aida T. aspado na nagturo sa amin. Sa Paggawa nitong pamanahong papel.
MARAMING SALAMAT PO!
B. PANIMULA
Napakahalaga para sa atin na malaman ang nangyayari sa ating bansa. Sa pamanahong papel na ito tinatalakay ang patuloy na pagdami ng populasyon sa ating bansa, at kung ano ang epekto nito sa ating pamumuhay. Isang malaking suliranin ang paglobo ng ating populasyon. Kailangan nating maunawaan at pag-aralan ang problemang ito para rin maiwasan natin ang kahirapan.
C. MGA TIYAK NA LAYUNIN
Ang pamanahong papel na ito na may paksang tungkol sa pagdami ng populasyon ay naglalayong maipaunawa sa atin kung gaano kalaki ang epekto ng overpopulated sa ating bansa. Naglalayon din itong maipaliwanag sa mga mambabasa ang epekto sa atin ng overpopulation.
D. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Mahalaga sa ating pag-aaral nang sa gayon maunawaan ng mga mag-aaral na ang pag-aanak ng marami ay nagdudulot ng kahirapan. Mahalaga ring pag-aralan ito upang malaman kung paano natin mapipigilan ang patuloy na paglaki ng populasyon at kung paano rin tayo makakatulong sa ating bansa.
E. SAKLAW AT LIMITASYON
Saklaw nito ang epekto ng overpopulation sa ating bansa, at kung paano nangyayari ang ganitong suliranin sa ating bansa. Saklaw din nito kung paano natin nararanasan ang pagkakaroon ng sobrang daming populasyon.
F. KATUTURAN NG MGA KATAGANG GINAMIT
Ang mga katagang aking ginamit sa pamanahong papel na ito ay nagpapadali para sa mga mambabasa na maunawaan ang bawat detalye. Nandito ang mga sumusunod na salita.
Populasyon - Sa biology, ang isang populasyon ay ang koleksyon ng maki-aanak ng mga organismo sa isang partikular na uri ng hayop; sa sosyolohiya, isang koleksyon ng mga tao.
Overpopulation - ay isang kalagayan kung saan ang isang organismo 's mga numero lampasan ang kakayahan magpadala ng kanyang tahanan. In common parlance, the term usually refers to the relationship between the human population and its environment , the Earth . Sa karaniwang paraan ng pagsasalita, ang mga kataga ay karaniwang tumutukoy sa mga relasyon sa pagitan ng mga populasyon ng tao at sa kanyang kapaligiran, ang Earth.
G. SANDIGAN NG PAG-AARAL
· Aklat- Dito ako kumuha ng mahahalagang impormasyon na aking kailangan.
· Internet- Karamihan ng aking mga nakalap ay dito ko rin natagpuan
· Telebisyon- sa panunuod ng mga balita nalaman ko na Overpopulated na an gating bansa, at sa panunuod ng dokumentaryo.
H. STRATEHIYANG GINAMIT SA PINAGKUNANG DATOS
Ang istratehiyang aking ginamit para makabuo ng isang pamanahong papel ay nagbasa ako ng mga libro tungkol sa aking paksang ginamit o napili, dahil dito nakakuha ako ng mga ideya at nanood din ako sa telebisyon ng mga salita na makakatulong sa akin. At sa internet na tumulong sa akin upang makumpleto ko ang aking proyekto doon din ako kumuha ng mga salitang aking kakailanganin. Pinagsama-sama ko ang mga datos na iyon kaya nabuo at natapos ko ang aking proyekto.
I. PAGLALAGOM NG KONGKLUSYON
Isa sa mga suliranin ng ating bansa ay ang populasyon. Kaakibat ng suliraning ito ang iba pang mga problema kabilang na ang kahirapan ng bansa at mamamayan. Ang suliranin sa sobrang laki ng populasyon ay maselan na usapin dahil ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao maging ng nasa sinapupunan pa lamang. Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa unti- unting pagdami n gating populasyon at mga problemang dulot ng sobrang laking populasyon
J. PAGLALAHAD
Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistic s Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng population ng Pilipinas sa rate na 2.1%. Malaki ang population growth rate na ito para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas.
Sa buong mundo, and populasyon ng kabuuan ng mga industrialized countrie s ay nasa 1 billion; sa developing countries – 5 billion. Ang bansa natin ay kabilang sa top 15 most populous countries sa daigdig.
Nangunguna sa listahan ang bansang China na may 1.318 billion at may growth rate na .5%; pangalawa ang India na may 1.131 billion sa growth rate na 1.6%. Pangatlo ang United States na may 302 million population na meron lamang .6% growth rate. An growth rate na binabanggit ay yung rate of natural increase, hindi kabilan g ang migration.
Kung pagbabasehan ang rate of natural increase ng population, pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo. Una ang Nigeria na may 2.5%, pangalawa ang Pakistan na may 2.3%, at ang Pilipinas – 2.1%.
Noong Mayo 2000 ay nasa 76.5 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at kailan lang ay nagsagawa muli ng census ang NSO para matiyak ang aktuwal na bilang ng mga Filipino. Pero sa ginawang pagtaya ng ahensya, posible raw na nasa 88.7 milyon na tayo.
Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, lalo na sa ‘third world’ country na tulad natin.
Unang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto gaya ng gutom, krimen, corruption, kawalan ng tamang edukasyon, unemployment at iba pa.
Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malaki ang populasyon, nai-stress ng husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang ‘global changes’ sa klima ang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas.
Andiyan din ang suliranin sa basura at polusyon sa paglobo ng populasyon. Sa Puerto Princesa City nasa tayang 10 metrikong toneladang basura ang nakokolekta ng tanggapan ng Solid Waste. Hindi pa natin masyadong pinu-problema ito sa ngayon. Paano na kaya kung ma-triple ang populasyon? Tulad ng sa ibang lunsod sa bansa, ito ang araw-araw na bangungot sa kanilang kapaligiran.
Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay ‘survival instinct’ ang namamayani sa mga tahanan.
Tunay na napakaseryosong problema ang populasyon. Napakahalagang mapagtuunan na ito ng karampatang atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa sumabog sa pagmumukha natin ang isa na namang krisis.
Lahat ng nilalang ay binigyan ng Diyos ng pag-iisip upang mag desisyon sa kanyang buhay, kabilang na ang bilang ng magiging anak. Sa usaping ito, naniniwala tayo sa karapatan ng mamamayan at ng mag-asawa na pumili ng nararapat na paraan upang makamit ang tinatawag na responsible parenthood. Sila lamang at wala nang iba pa.
K. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON
Dahil sa mga suliraning dala ng overpopulation, kailangan na planuhing mabuti ng mag-asawa ang reponsibilidad ng anak para sa magandang kinabukasan ng kanilang anak at bayan.
L. APENDIKS
OVERPOPULATION, 3 NSO, 3
Coruption, 4 global Changes, 4
krimen, 4
M. BIBLIOGRAPI
Kirk, D. (1973). "The misunderstood challenge of population change. (Presented at the Convention of the American Institute of Architects, May 1973, San Francisco.)." Population Reference Bureau 44
Ayala, F. J., 1977, The Genetic Structure of Populations, in Dobzhansky, T., Ayala, F. J., Stebbins, G. L., and Valentine, J. W., eds., Evolution: San Francisco, California, W.H. Freeman & Co., p. 20-56.
Ehrlich, P. R., and Birch, L. C., 1967, "The balance of nature" and "population control": American Naturalist, v. 101, p. 97-107.
Wilson, E. O., and Bossert, W. H., 1971, A Primer of Population Biology: Sunderland, Mass., Sinauer.
14 comments:
haha !
haha pa nga dw :D
love it :)
thanks...... ^_^
kuyyaaaaaa pwde pakidagdagan po ung paper mo. kulang kasi eh. 6 pages ung kelangan sa project namin. :))))
..'too good you were able to help . .keep it up . .
.. gracias . .''
SALAMAT
thanksss.. poh
galing may project na ako salamat poh !! ^_^
kuyaaaaa may iba pa po bang topic ?
thank you talaga! :D
copy paste nlang demanding pa ung iba? haha big help :D
nice tnx...
Post a Comment