(Sanaysay/Muslim)
Salin mula sa Ingles ni
Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa ipang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.
42 comments:
tnx for the help in our homework
ang ganda ng mga detalye
need ko po ng BUOD ..
pls ? salamat po
yan na po ba yung kabuoan?
kailangan ko ng buod.
hala!!salamat...hehheheehe i luv it!!! nakahuman gyud ko sa akong assignment...hehhepls add me...im reymart abellanosa
pwede po magtanong??ano po ba ang paraan nga paglalahap ninyo
paglalahad po pala...
sa wkas my irereport nrin .,., !!!!!!!!!! tnxxxx
tnx poh makakagaw na rin poh ako sa wakas ng report salamat ^^
need ko po brief explanation of sunnah
buti na lng meron dito
mamat ng marami=)
hahah.,.tnx.,
,,,tnx poe ah!nkadagdag p ng learnings skin!!!!!!!
salamat po nan mdme...ngwa ku din project kuh..
maraming maraming salamat... nakatulong ang site na to sakin sobra!!
ano po pagkakaiba ng pagislam ng mga muslim sa pagbibinyag ng mga katoliko?
maaari po ba kayong magbigay ng reaksyon sa akdang ito ? salamat
Thank you so much. I now have something to answer in my exam.
nice story
yes nka basa rin ng ganito!!!!
(4-charity) ng rizal. hyter.king mark.jomar.ryan.bonifacio.alex.nina.mariel
(y)
tnx sa nagbgay
ty talaga sa naggawa nito,kunde wala kong magagawa sa project ko.,ibubuod ang buong HAMAKA IV .,grabe noh?
Maraming salamat sa pag.post... ^_^
thanks sa gumawa wala kc kaming libro
my ass na ako
thank u 4 making our homework easier......u knw wat i mean....
salamat kahit paano na tutulungan nyu po ako sa homework ko ..:)) rovelyn ronario ^_^
nyc one
pwee ko po bang malaman kung ano ang ginamit na teorya at kung ano po ang sinisimbolo ng kwento?
moremats poe,,
sumakit kamay ko sa kakasulat...
hehehehe joke(2x)
pero tnx po tlaga:)
hahaixt!!!nakit an nuh jd nko aqong assignment...tnx!!!!
4. Suriin ang akdang Pag-islam batay sa mga sumusunod:
a. Paraan ng paglalahad
b. istilo ng may akda
c. istruktura ng sanaysay
c.1 simula
c.2 katawan o nilalaman
c.3 kongklusyon/wakas
please answer this ...need Asap
may salitang ugat ba ang pagislam? tanong kulang salamat!
tnx.. po
ang pag-islam na ginagawa sa mga kababaihan sa muslim countries ay mahigpit na tinututulan ngyn.. tingin po kaya bkt??
buod day ako kinahanglan! heheh answerehay xad niƱo.. hehe..
salamat poh..sa gumawa yan..tanong ko lng anoh reaksyon niyo sa sanaysay na iyan?
thank you!!!
tnx it helps a lot
Post a Comment