(BUOD)
Matagal na panahong nawala sa Pilipinas ang binatang si Crisostomo Ibarra. Sa pamamalagi niya sa Europa ay naiwan sa bansa ang katipang si Maria Clara na anak ng mayamang si Kapitan Tiyago. Sa pagbabalik ni Ibarra ay lalung naging makulay ang pag-iibigan nila ni Maria Clara. Ngunit tulad ng karaniwang pag-iibigan, maraming suliranin ang nakaharap ng dalawa. Labis ang pagkahumaling ni Padre Salvi sa dalaga na nagtulak dito upang takutin ang una sa natuklasang lihim ng pagkatao nito. Nakuha ng pari ang sulat ni Padre Damaso na nagsasaad ng tunay na pagkatao ni Maria Clara. At upang hindi mabulgar ang katotohanan ay naging sunud-sunuran na lamang ito sa pari kahit iyon ay maging sanhi ng kanyang karamdaman.
Samantala, bago pa lamang nakararating sa bansa ay natuklasan rin ni Ibarra ang naging kapalaran ng kanyang ama sa loob ng bilangguan. Nakulong ito at namatay ng walang kaibigan. Nabatid din ng binata ang ginawang paghukay ng bangkay ng kanyang ama at ang pagkakatapon nito sa libingan ng mga intsik sa utos ng pari. Samantalang nasa kamposanto, pinagbuhatan ng kamay ni Ibarra si Padre Salvi dahil na rin sa pag-aakalang ito ang may gawa ng kalapastanganan sa kanyang ama. Huli na ng matuklasan nitong si Padre Damaso na kaibigan at pinagpala ng kanyang ama ang may gawa ng lahat.
Sa maraming pagkakataon ay nilalait ni Padre Damaso ang pagkatao ni Ibarra. Nagtimp ang huli subalit sa harap ng pananghalian ay muling nilait ng pari ang pagkatao ng binata sampu ng namatay nitong ama. Labis iyong ikinagalit ng binata. Hinutan ang isang kutsilyo at akmang itatarak sa dibdib ng pari. Salamat na lamang at namagitan ang dalagang si Maria Clara.
Dala ng matinding selos at matinding galit ng dalawang pari kay Ibarra, isinangkot nila ito sa isang huwad na himagsikan. Ngunit agad iyong natuklasan ng binata sa pamamagitan ni Elias. Ilang ulit na rin siyang inililigtas ni Elias at ganoon din naman siya. Ipinagtapat ni Elias kay Ibarra ang tungkol sa napipintong himagsikan at ang pagtuturo dito bilang siyang pinuno. Sa pinto ng pagtakas sa tiyak na kapahamakan ay nabatid ni Elias na ang taong matagal na niyang pinaghahanap ay walang iba kundi si Ibarra. Ang ninuno nito ang naging sanhi ng lahat ng kanyang kapahamakan sa buhay. Isinumpa niyang siya ay maghihiganti subalit nanaig ang pagiging tapat na kaibigan. Inutusan nitong sunuging lahat ang mga papeles na maaaring makakilala sa kanya.
DINAKIP ng mga gwardiya sibil si Ibarra. Tinulungan siyang makatakas si Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagdaan muna ito sa bahay nina Maria Clara upang magpaalam. Samantala, isang piging ang nagaganap sa bahay nina Maria Clara . Ikakasal ang dalaga kay Lenares sa kabila ng kanyang pagtutol. Upang huwag tuluyang mapakasal, hiniling ng dalaga kay Padre Damaso na siya ay pahintulutan na lamang na pumasok sa kumbento. Labis na tumutol ang pari. Batid niya ang nagaganap sa mga dalaga sa loob ng kumbento. Ngunit naging mahigpit ang kahilingan ni Maria Clara. Ang kumbento o kamatayan.
SA kadiliman ng gabi ay naglakbay sa lawa ang bangkang sinasakyan nina Elias at Ibarra. Ilang saglit ay naghari ang putukan. Inusig sila ng mga sundalo. Tumalon ang isang lalaki sa bangka. Kumalat ang kulay dugo sa tubig. Kinabukasan, nabalitang patay si Ibarra.
SAMANTALA, mula sa gubat ay nanaog si Basilio upang makapiling ang kanyang ina. Wala ito sa kanilang bahay. Hinanap ng bata ang ina. Natagpuan niya ito sa bayan. Wala sa sariling bait. Nilapitan ni Basilio ang inang si Sisa subalit hindi siya nakilala. Tumakbo ito palayo. Naghabulan ang dalawa hanggang sa lumang kamposanto. Isinara ni Sisa ang pinto ng sementeryo. Nagpilit pumasok si Basilio. Hindi niya makaya. Umakyat siya sa pader subalit nadupilas at nahulog sa lapag. Nakita ni Sisa ang bata. Nagbalik ang kanyang ulirat. Walang anu-ano ay nahandusay ito. Ilang saglit ay nagising si Basilio. Nakita niya ang walang buhay na katawan ng ina.
ILILIBING ni Basilio ang ina. Walang anu-ano ay isang sugatang lalaki ang dumating. Nagtanong ito kung walang ibang taong dumating bago siya. Umiling si Basilio. Inutusan siya ng lalaki na kumuha ng kahoy at sunugin silang dalawa ng kanyang ina. Inutusan din siya ng sugatang lalaki na lumakad ng ilang hakbang at maghukay. Doon daw ay mayroon siyang makukuhang kayamanan. Gamitin daw ito sa kanyang pagbabagong buhay.
2 comments:
thanxs sa tulong
by:pekto
Salamat! :)
Post a Comment