a. Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikli lamang upang akitin ang mambabasa.
b. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
c. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip 1.) gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulat; 2.) gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba; 3. gumamit ng magkakatulad na kalagayan; at 4.) banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
d. Tapusin nang naaangkop.
e. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga panimula at ang pangwakas.
f. Huwag mangaral o magsermon (No Preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya.
g. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (Unity), linaw (Clarity), pagkaka-ugnay-ugnay (Coherence) at diin (Emphasis).
2. Bahagi ng Editoryal
INTRODUKSYON – nakilala din bilang simula ng editoryal. Sa bahaging ito ipinakikilala ng sumulat ang paksang kanyang tatalakayin.
EKPLORASYON – na siyang pinakakatawan ng editoryal. Sa bahaging ito iniisa-isa ang mga detalyeng magbibigay ng buhay sa pagtalakay sa paksa.
KONKLUSYON – na siyang pinakawakas ng editoryal. Sa bahaging ito nilalahad o binubuo ng sumulat ang kaisipang iniisa-isa. Nag-iiwan din ng gintong muni, hamon, pagsubok ang sumulat sa kanyang mambabasa sa bahaging ito.
B. Pagsulat ng Editoryal.
Pumili ng isang editoryal na inyong isinulat batay sa paksang pinagtalunan o survey na isinagawa.
C. Pagbasa ng ilan sa naisulat na editoryal.
9 comments:
pisti
nice! pero banas,..
Thanks
Ahm.......:>🙂
EH DI WAW
aa......edi wow ⊙_⊙
Tama Naman ahhh
Thanks 😊
Hala ka bad words yo ahh
Post a Comment