(Sa Aking Bayan)
Simon A. Mercado
“ Walang mangyayari sa balat ng lupa,
Di ma’y kagalingang Iyong ninanasa.”
Kumislap ang isip ng pantas na malay
At ang sandaigdig ay naliwanagan
Nagsipamuklak ng dunong na yaman
Ang nangagpunyaging paham na isipan;
At tayo’y nagising sa bagong kandungan
Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!
Natuklas ng dunog na kahanga-hanga
Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
Tila niloob ng Poong Bathala
Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
Nakapabingit na sa pagkariwara
Ang ating daigdig na lutang sa luha!
Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,
Nasisid ang mga dagat na maalon
Ng taong palakang nagwagi sa layon!
Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
Narating ang buwan ng bakal na limbas;
Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
Ang dalawang bunying astronauts na tanyag;
Subalit hindi pa lubos na matiyak
Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.
Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog
Kapag may malaking bombang sinusubok,
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sa kanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
Sa dalawa kayan malakas ay alin
Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
Sa Sandaling biglang ang isa’y magtaksil!
May panganib pa rin sa bawat pagsubok
Ng bombang may lasong buga sa fallout;
Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
Higit na mabangis sa alinmang salot ;
Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,
Walang mabubuhay sa buong sinukob!
Sa ngayon, ang hanging ating nilalanghap
Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
Kapag ito’y hindi nalunasan agad
Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
Saka nalalapit na lalo sa wakas!
Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
Sa dalawang pook na pinaghulugan
Ay napakaraming nakitlan ng buhay;
Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw
Dagat na ang hapon sa kasalukuyan!
“Pag bombang awtom ang siyang ginamit
Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
Dahilan sa lakas na napakalabis
Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
Huwag nawa sanang loobing ng Langit
Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
Ang pag-uunahan ng dalawang lakas
Na sa kalawakan ay magharing ganap,
Ay nagbabalang di na magluluwat
At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
Maanong loobin ng Nasa Itaas
Na huwag na sanang dumating ang wakas!
Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,
Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;
Ang hihip ng hangin kapag di nabago
Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!
Nais na lagumin ng Maso at Karit
Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
Ang Agila naman sa pagpupumilit
Na siyang mauna’y hindi matahimik;
Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?
Wala pang sanggol sa kasalukuyan
Sa pambombang higit ang bilis sa ingay,
Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
Di makahahanda nais mang lumaban;
Dahil dito kaya dapat pagsikapan
Na mapagkasundo ang sangkatauhan!
Hindi nga masamang ang tao’y
Lalo kung may mithing dakila at tapat,
Pagkat likas lamang sa taong maghangad
Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas
Upang ang mabuting binuo’y iwasak!
Di dapat gumamit ng mga sandatang
Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
Idalangin nating magkaisa sana
Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!
Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
Gayon din ang hangin na dating malinis,
Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
Ay matatapos nang parang panaginip;
Saka lamang naman magiging tahimik
Kung dito’y wala nang mga manlulupig
Dahil dito kaya kinakailangang
Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
Pagsikapan nating tuparing lubusan
Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!
Agawin sa kamay ng imbot at inggit
Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
Ang Diyos ay gising, di ipagkakait
Ang Kanyang saklolo sa api at amis!
Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,
Hindi maglalao’t ang sangkatauhan
ay makakandong na ng kalwalhatian;
Saka ang ligalig na sandaigdigan
Ay mahihimbing na sa katahimikan.
17 comments:
tnx poh sa pagpost ... :D d na poh kme mhhrpan magtype.. :)
ahh gnun wUlang ANumAn,, :D
msy buod b ni2 di2?
ahh wula pong buod yn ee,,
.anung meaning ng no. 6 na stanza?.
at tsaka sa no. 11 rin please.
anung kahulugan ng saknong?? labing isa? pa help nmn p0 or paliwanag
ang pagkakaalam ko .. ibig sabihin ng ikalabing isang saknong ay digmaan ..
anong ibig sabihin ng saknong 2 at 3?
may reaction paper ba toh? hehe .. -- abby ;)
excuse me.. ano po ba ang ibig sabihin ng "bakal na ibon" at "taong palaka na nagwagi sa layon"??? sa saknong 3. Pakisagot lang po.. salamat. ^_^
ang bakal na ibon ay mga eroplano sa himpapawid..:))) yan ang alam ko..:)) Ella:))
yes ung taong palaka ay ung parang tao na nakak punta sa ilalim ng tubig dahil sa mka bagong teknolohiya di na siya submarineee
anu po ba ung ehe ng mundo? tnx ^_^
ano po ba ang bakal na limbas ? tsaka ehje ng mondo?need help lng po plzzz...
ano po b ang ibig xbhn ng saknong #4 5 6?
wala ba book report nito ?? hahaa
Post a Comment