Thursday, November 25, 2010

BATAS NG NAKALIPAS



Isang Datu ang namumuno sa bawat barangay. Gumaganap siya bilang mambabatas, hukom at tagapaganap. Lumilikha at nagpapatupaed siya ng batas. Sinikap ng Datu na magkasundo ang magkabilang panig o kaya’y sumumpa sa susunod na hatol kung hindi magkasundo. Ang maraming saksi ay laging nagwawagi sa paglilitis.

Sapat na ang manumpa ng “Tamaan nawa ako ng kidlat kung nagsisinungaling,” ay banal at sagrado. Kapag may mga pagkakasalang magaan tulad ng pakikiapid, pandaraya, pag-iingay at pagnanakaw, ang maysala ay pinakakagat sa langgam, hinahagupit o pinatatalon sa ilog. Kamatayan naman sa mga taong gumawa ng panggagahasa, pangungulam, pagpatay o pag-iinsulto.

Datu rin ang bumubuo ng batas at isinasangguni sa mga pantas. Kapag napagtibay na ang batas ay ipinaaalam sa mga tao sa pamamagitan ng umalahokan. Pinupulong ang mga tao para ibalita ang ipinaiiral na bagong batas. Sa ganitong uri ng pamamalakad ay maayos at mapayapa ang bawat barangay. May mataas na pagpapahalaga at respeto ang mga mamamayan sa mga nmumuno.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved